TEAGAN'S POV Napaatras ako ng bigla na lang lumapit si Levi sa akin. Napalunok ako ng laway nang maamoy ang mabango n'yang hininga na tumama sa mukha ko. Parang nagwawala sa loob ng rib cage ang puso ko dahil sa malakas nitong pagtambol na dulot nang presensya ni Levi sa harap ko. "Let me see." saad n'ya. Napaisip ako ng ilang segundo bago makuha ang tinutukoy n'ya. Bumaba ang tingin n'ya sa leeg ko saka inalis ang band aid na nakapatong dito. "Papalitan ko. Maupo ka muna." saad n'ya bago umalis at kumuha nang panibagong band aid. Dahil sa aksidenting 'yon ay masasabi kong iyon ang dahilan para mapunan ang ilang gap sa pagitan namin ni Levi. "Pagaling naman na ang sugat. Hindi mo na kailangang lagyan pa." pahayag ko ng makalapit s'yang muli sa akin. "No. The wound is still fresh." a

