Idinikit ng dalaga ang kanyang tenga sa pinto at pinakinggan munang mabuti ang labas ng banyong kinalalagyan n'ya. Gusto n'yang masigurado na wala sa loob ng kwarto si Azazel bago s'ya lumabas ng banyo. Halos isang linggo na s'yang nasa poder ng diyablo at walang-wala na s'yang maisuot. Kailangan n'yang kumuha ngayon ng damit mula sa cabinet nang lalaki ng hindi nagpapaalam dito dahil kapag nagsabi rito ay siguradong pagdadamutan na naman s'ya nito. Kapag suot n'ya na ang ninakaw na damit ni Azazel ay siguradaong wala na itong magagawa. "All clear," saad nang dalaga saka sinilip sa maliit na siwang ng pinto ang buong kwarto bago tuluyang lumabas at lumapit sa cabinet. Pagbukas n'ya sa cabinet ay naamoy kaagad n'ya ang mababangong damit ni Azazel. Para sa isang diyablo ay napakaayos at l

