46 - The Awakening

2295 Words

THIRD PERSON'S POV Isang malakas na sipa sa tiyan ang natanggap ni Leviathan mula kay Haden nang makalapit ito sa kanya pero mabilis din n'yang nahuli ang paa nito saka malakas na ibinagsak sa buhanginan. Nang nakabawi si Haden ay kaagad s'yang bumalik sa himpapawid para muling sugurin ang kalaban. Kasalukuyang nagaganap ang labanan ng apat sa ere. Malalakas ang salpukan at palitan ng kapangyarihan ng apat na halatang ayaw magpatalo sa isa't isa. "Fentris!" sigaw ni Fang. Lumusob ang malaking lobo patungo kay Xenon para sakmalin ang kaharap na kalaban pero sinalubong s'ya ng binata nang mahaba n'yang espada. Nagawang putulin ni Fentris ang patalim gamit ang matatalas n'yang pangil kaya naman laking gulat na lamang si Xenon ng makita ang nangyari sa kanyang sandata. "Nice one Fentris."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD