EMILIA Taas noo ako habang naglalakad sa pasilyo ng palasyo ni Azazel. Matapos ang ilang dekada ay ngayon na lang ulit ako nakaapak sa palasyo n'ya. Simula ng mawala s'ya sa trono ay hindi na ako bumalik dito at nanatili na lang sa mundo ng mga mortal para bantayan si Teagan. Hawak ang ulo ng demoness ng napatay kong tauhan ni Manu ay tinungo ko ang tronong alam kong enjoy na enjoy nang upuan ng traydor na 'yon. Matagal n' ya na palang pinagkakainteresan ang posisyon ni Azazel at nang makuha n'ya ang pagkakataon ay walang pagaalinlangan n'ya itong sinunggaban sa pamamagitan ng pagtatraydor n'ya kay Azazel. Gusto kong ako mismo ang magtanggal ng ulo sa tarantadong 'yon katulad ng ginawa ko sa tauhan n' ya. Nang dahil sa kanya kaya nakakulong ngayon si Azazel sa hawla ni Lucifer. Gustuhin

