THIRD PERSON'S POV "Anong ginagawa n'ya?" bulong na tanong ni Greer sa kanyang sarili. Nakatago ang Imp sa isang sulok habang pinagmamasdan ang kalahating diyablo. Tahimik na nakaupo ang diyablo sa trono habang pinalilibutan ngayon nang halos isang daan na alipin ni Beelzebub. Nakaalerto ang lahat ng diyablo habang nakatutok ang mga sandata nila sa itinuturing na tresspasser sa palasyo. Senenyasan sila ni Beelzebub na huwag gagawa ng hakbang kaya naman iyon ang ginagawa nila ngayon. Ang manatili sa kanilang kinatatayuan at maging alerto sa kaharap na kalaban. Kung titingnang mabuti ay para bang natutulog sa kinauupuan n'ya si Teagan. Nakapikit ang mga mata nito na tila ba walang pakialam sa kanyang kapaligiran. Walang bakas nang pagbabanta. Lumapit si Matias sa kanyang panginoon at hum

