Sa mundo ng mga diyablo, inaayos na ni Manu ang kanyang maitim na plano para sa pagpapatalsik kay Azazel sa trono. Isang napakahalagang impormasyon ang nakuha n'ya sa isang incubus na magbibigay sa kanya ng pagkakataon para alisin sa pwesto ng pagiging hari si Azazel. Matagal nang pinagkakainteresan ni Manu ang posisyong iyon ng diyablong pinagsisilbihan n'ya at ngayong na bigyan na s'ya ng pagkakataon na makuha ang gusto n'ya ay hindi n'ya na ito sasayangin. Ngayon ay alam n'ya na kung bakit hindi masakop ni Azazel ang kabilang mundo na ipinangako nito bilang pagpapalawig sa kanilang teritoryo. Imbis na magtrabaho ay iba pala ang inaasikaso ng kanilang panginoon. "Hanggal," usal ni Manu na ngayon ay malawak ang ngisi sa kanyang labi. Bago i-report ang kanyang mga nalalaman ay sinigura

