THIRD PERSON
Agad na ipinatawag ni Satanathos ang dalawa sa pinakamalakas n'yang mga alipin na sina Etna at Cain.
Si Etna at Cain ay dalawa sa madaming anghel na tumiwalag sa Lumikha na mas ginustong sundin si Lucifer. Mas kilala rin sila sa tawag na Fallen Angels.
(Fallen Angel An angel that has lapsed into sin or has been exiled from heaven.)
"Huwag kayong babalik dito hangga't hindi n'yo nakukuha sa pangangalaga ni Astaroth ang anak ni Azazel." utos ng demonyong si Satanathos sa dalawa. Hindi n'ya akalaing mabilis na mapapasakamay ni Astaroth ang bata. Kung kinakailangan n'yang patayin ang demonyong iyon para lang makuha ang anak ni Azazel ay gagawin n'ya.
TEAGAN
Sa pagbalik namin sa palasyo ni Astaroth ay sinalubong kami ni Sebastian at isang napaka-cute na batang babae. Mabilis akong tumakbo papalapit dito at binuhat s’ya palayo sa tatlong lalaki.
"Pati ba naman bata Sebastian! k********g ang ginagawa n'yo! " asik ko. Nakita kong nagkatinginan ang tatlo dahil sa naging pahayag ko. "Wag na kayong magpaliwanag! Sa ayaw at sa gusto n'yo ay iuuwi ko ang batang 'to sa ina n'ya. Nakaka-disappoint kayo." dagdag ko pa.
"Nagkakamali ka, Milady." anas ni Zenon. "Ang totoo ay alipin din ni Astaroth ang batang hawak mo." dagdag n’ya na ikinakunot ng noo ko.
Ang cute na batang 'to ay alipin ni Astaroth? Tumalon pababa ang bata mula sa pagkakabuhat ko saka cute na tumakbo papunta kay Sebastian.
Isa rin ba s'yang diyablo?
Para s’yang buhay na gothic doll. Ang suot n’yang black dress at itim na gothic hat na may pink na ribbon ang nagpalitaw sa maputi n’yang balat. Nakalugay ang umaalon na itim na buhok ng bata at ang mga mata n'ya, kulay green. Kung huhulaan ko ang edad n’ya ay nasa 5-6 years old na s’ya.
Tiningnan ko naman nang masama si Sebastian. "Totoo ba ang sinabi ni Zenon?" tanong ko rito.
"Ayaw mo bang maniwala sa akin?" pagtatampong tanong ni Zenon pero hindi ko s’ya pinansin.
"Yes but looks can be deceiving, Milady." seryosong pahayag ni Sebastian. Parehas silang parang bato ni Levi. Siguro ay magkapatid sila sa mundong 'to.
"True! Mas mapanganib pa nga 'yang bata sa harap mo kesa sa mga halimaw sa labas ng palasyong 'to. HAHAHAHAHA!" Biglang lumapit ang bata kay Haden at kinagat ang kamay n’ya. Mabilis na nagtago sa likuran ko si Zenon. "May trauma na ako sa batang yan." saad n’ya.
"Gusto kang makasabay ni Astaroth sa hapag kainan." sabat ni Sebastian kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "Zenon, Haden, gusto ni Astaroth na komportable si Milady sa kwartong tutuluyan n’ya. Kayo ng bahala."
"No problem. Kami ng bahala." sagot naman ni Zenon.
Sumunod na ako kay Sebastian para puntahan si Astaroth. Lumapit naman sa akin ang batang babae at hinawakan nang malilit n'yang kamay ang isa kong daliri.
Ang cute!
"Anong nga palang name mo?" tanong ko rito.
"M-Melkor po" nahihiyang sagot n’ya.
"Melkor." tawag ni Sebastian dito. Lumapit sa kanya ang bata saka n'ya ito binuhat
"Pumasok ka na." utos ni Sebastian.
Automatic na bumukas ang higanting pinto na nasa harapan ko. Pagbukas ay si Astaroth kaagad ang unang bumungad sa akin. Nasa anyong tao pa rin ang katawan n’ya. Kahit gaano pa s'ya kaayos at kagwapo sa paningin ko ay ang totoong anyo n'ya pa rin ang nakikita ko.
Iniusog n’ya ang isang marangyang upuan para makaupo ako. Nakita kong nakahain ngayon sa lamesa ang mga pagkaing alam ko. Mabuti naman at alam n'ya ang mga pagkain ng tao.
Tanging tunog lang tinidor at kutsilyo ang maririnig sa buong kwarto habang kumakain kami. Bakit hindi s'ya nagsasalita?
Mas binilisan ko ang pagkain ko para makaalis na ng hapagkainan. Hindi ko masikmura ang diyablong nasa harap ko. Iniisip ko pa lang na magiging reyna n'ya ako ay nasusuka na ako. Akmang aalis na sana ako ng bigla s’yang magsalita.
"Nakapagdesisyon ka na ba?" ngumunguyang tanong n’ya.
"Anong gagawin mo kapag hindi ako pumayag?" balik kong tanong sa kanya.
Ngumiti lang s'ya. "Mahirap akong kalaban binibini. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Bigla na lang umapoy ang mahabang mesa na kaninang pinagkakainan namin. Mula sa apoy ay nakita ko ang imahe ni Zhola at Elisha na nakakulong sa isang malaking hawla.
"Let them go!" asik ko kay Astaroth. Nakita ko ang table knife na ginamit ko. Mabilis akong naglakad papalapit kay Astaroth at akmang sasaksakin ko na sana s’ya ng bigla s'yang magsalitang muli.
"Ituloy mo dahil bawat pag-gawa mo nang masamaan ay katumbas nun ang pagbabago mo bilang isang diyablo."
Mabilis kong nabitawan ang hawak kong kutsilyo. "K-Kapag may nangyaring masama sa kanila ay hindi mo rin magugustuhan ang gagawin ko." banta ko rito bago lumabas sa kwarto.
Napahagulgol na lang ako nang makalayo-layo. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa mga taong mahal ko. Hindi ko kakayanin.
ELISHA
Nagising kami ni Zhola sa loob nang malaking hawla at sa ibaba nito ay ang kumukulong kulay berde na magma. May mga kaluluwa sa baba na panay ang pagmamakaawa at paghingi ng tulong na dahilan para umingay ang buong lugar.
"Hayop na Sebastian 'yon!" bulong ni Zhola habang hinihimas ang ulo n'ya.
Naalala ko na kung paano kami napunta sa lugar na 'to. Nasa himpapawid kami nang matanaw namin si Teagan sa di kalayuan nang may bigla na lang umatake sa amin. Mula sa himpapawid ay bumagsak kami sa lupa. Nagawa pang lumaban ni Zhola sa lalaking nagngangalang Sebastian pero masyado na s'yang napuruhan sa pagbagsak n'ya kaya natalo s’ya nito sa huli.
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Zhola.
"Nasa teritoryo tayo ni Astaroth." sagot n’ya.
"Kung ganun ay si Astaroth ang may hawak kay Teagan."
Nagsimula na kaming mag-isip ng plano ni Zhola para makakaalis sa maingay na lugar na 'to. Alam na namin kung nasaan si Teagan ang kailangan na lang naming gawin ay bawiin ito at iuwi kay Magdalene. Siguradong alalang-alala na si Magdalene sa kanya.
"Haist! Bakit ba ko naipit sa problema nang kalahating diyablo na iyon?" reklamo ni Zhola. "Makalabas lang ako rito ay babalik na ako kay Beelzebub." dagdag pa n’ya.
"Hoy! Tutulungan mo pa akong mabawi si Teagan!"
"Masyado ka naman atang sinuswerte. Hanggang sa paghahanap lang ang pwede kong maitulong. Ibang usapan na ang pagbawi kay Teagan."
"P-Pero..." bagsak ang mga balikat na saad ko.
"Alalahanin mo na tauhan ako ni Beelzebub. Kapag sumama ako sayo sa pagbawi kay Teagan ay senyales 'yon ng giyera sa pagitan ni Astaroth at Beelzebub."
Isa lang akong familiar! Wala akong background sa pakikipaglaban! Anong gagawin ko?