Halos hindi ko na alam ang gagawin ko, Ito na ata ang pinakamalas na araw sa buhay ko. Nasira ang sapatos na soot ko papasok sa aking pinagtatrabauhan. "TAXI!" sigaw ko dahil sa kahihiyang nagyari sa akin. Napakamot ako ng ulo ko ng bigla akong lagpasan ng taxing pinara ko. "Alyssa! Hoy! Bakit nakayapak ka?" Sabi saakin ni Ronald. "Ha? Eh kasi nagmamadali ako tapos bigla nalang naputol tong sapatos ko." Inis kong sabi kay ronald. Napangiti naman ito sa aking reaksyon sa kanya, Kung kaya ay bumaba ito sa kanyang sinasakyan. "Ayyy! Ronald! Ano ka ba! Nakakahiya at ang bigat bigat ko pa ibaba mo nga ako!" Sigaw ko dito ng bigla niya akong binuhat papunta sa sasakyan nito. "Hindi pwede! Mababasa ka," Sambit nito sabay kindat nito sa akin. "Anong kinikindat kindat mo dyan," Masungit ko

