"Hazel, Buti nagpakita ka na sa akin?" Mangiyak-ngiyak kong sabi dito. Nang makalabas ang kuya nitong si Ronald. "Sorry alyssa, hindi ko naman kasi alam na mangyayari to, Akala ko kasi nasa tamang tao ka na, Yun pala ganito ang mangyayari sayo, Sorry," Buong pagsisising sabi ni hazel sa akin. "Hindi, Wala kang kasalanan doon, Ginusto ko din naman to. Alam naman din kasi nating pareho kung gaano ko sya kamahal diba?" Pagpapahinahon ko dito. "Sorry talaga, Hayaan mo babawi ako, Alam na ba to ng tatay at kuya mo? And by the way late condolence sa nangyari kay nanay Emily." Sabi nito. "Salamat, Yun na nga ang problema ko, Mula noong nalaman kong buntis ako, Hindi ko na naisip na hanapin sila tatay, Ang huling natatandaan ko nalang, Sinabi ni kuya sa akin na kukunin niya si tatay," sabi

