De'Chavez 5

1929 Words
Kinabukasan ay nagising na lamang si alyssa sa ingay, Lumabas ito at hinanap ang kanyang ina , Hindi naman siya nahirapan hanapin iyon dahil nakita gad niya ito sa kusina na nag aayos ng mga plato sa hapag. Tinulungan niya ang kanyang ina mag ayos, Nagtaka siya dahil sa sobra ang plato na ibinigay sa kanya ng kanyang ina, Ibabalik sana niya iyon dahil baka namali lamang ang kanyang ina ay pinigilan siya nito. "Anak saan mo dadalhin yang plato?" " Ibabalik ko po sa lagayan nay, Sobra po kasi ang binigay ninyo sakin" "Tama lang anak dahil may bisita ka, ikaw na nga ang tumawag sa kanila upang makakain na" "Ho? sino?" napakunot noo si alyssa sa nalaman, Kung kaya ay   Nagmadali siyang lumabas ng bahay upang tignan kung sino ang tinutukoy ng kanyang ina . "Hi baby girl" Malakas na tawag nito sa dalaga. Hindi agad nakasagot si alyssa sa lakas ng pagkakasabi nito sa kanya ay napatingin sa kanya ang mga taong kanina pa tingin ng tingin sa binata, Bakas sa mga mata ng mga ito ang pagkadismaya sa tawag sa kanya ng binata. Tila nagmuka itong parang isang estatwa sa kanyang pagkakatayo , Hindi siya agad nakagalaw sa hiyang idinulot ng bianata sa kanya. Lahat naman ng mga kababaihan na nakakakita sa binata ay kinikilig sa twing titignan sila nito. Dahil sa kanyang soot na sando at pang basketball na short ay kitang kita ang kalakihan ng katawan nito dagdag pa ang maamo nitong muka. "D-Dave?" "Yes baby girl?" at napangiti ito sa dalaga " did you miss me?" napakunoot noo naman ang dalaga sa kanyang narinig. "Wala kang pinagbago, Mas lalo ka pang naging mahangin." pang asar na sabi ng dalaga rito. "Bakit ka nandito?" "Para bisitahin ka? Baka kasi namimiss mo na ang first crush mo" inirapan lang ito ng dalaga at hindi na pinatulan. " Kakain na daw tay sabi ni nanay" sabi nito at hindi tumingin sa binata. "Sige Baby girl susunod na kami" sabi nito nang makatalikod si alyssa, Narinig naman iyon ni alyssa kung kaya ay nilingon niya ito muli. "Wag mo akong matawag tawag ng ganyan , At huwag kang feeling close". Pagkasabi ni alyssa non ay tumalikod na ito papasok. "Ang sungit mo naman" habol na sabi ng binata sa da dalaga. Nang makapasok na sa loob ay napaupo ito sa inis, Nilapitan naman siya ng kanyang ina. " Nak ok ka lang ba?" giit ng kanyang ina . "Nay bakit siya nandito?" Pabalik na sagot nito. "Hindi ko alam, Basta kanina bago umalis ang tatay mo ay naryan na siya sa tapat ng pintuan, Naawa naman kami kaya pinapasok na namin. " Pagpapaliwanag ng kanyang ina at umupo ito sa tabi niya. "Bakit nag-aayos sila labas?" tanong muli nito' " Anak aayusin naman na talaga natin iyan. Nagkataon lang na nasabay sa dating niyang kaybigan mo . Sinamahan na niya ang tatay mo tutal naman ay may sasakyan naman siya." "Teka nay, Hindi ko siya kaybigan, Lalong hindi ko sya magiging kaybigan" Galit na sabi nito at padabog na pumunta ng kwarto nito. Sa di kalayuan ay masamang nakatingin lang si Odie sa lalakeng nagpapa cute sa dalaga. Gusto nitong sugurin ang binata nang marinig nito ang itinawag sa dalaga. Gustuhin man niyang sugurin ang lalake, Ngunit wala pa itong karapatan sa dalaga. Nagkaroon lamang ito ng pagkakataong makalapit ng mapansin siya ng tatay ni alyssa, Pagtawag sa kanya nito ay agad naman siyang lumapit rito at nag mano bilang paggalang. "Odie ! Tara rito at mainit diyan" sabi ng tatay ni alyssa sa kanya.   "Nasaan po si nanay emily?" Sabi nito at tumingin sa lalakeng kanina nya pa gustong komprontahin. Nagkatitigan ang dalawa ngunit natalo ang lalake kay Odie. Sa pagkaka tinanong at titig nito ay ipinaalam niya sa lalake na hindi siya baguhang bisita rito. Matapos makipag titigan ay pumasok na ito sa loob. Agad naman siya hinila ng nanay ng dalaga upang ipatikhim sa kanya ang kanyang niluto.  " Ang sarap po niyan ano po tawag sa ganyang luto?" "Bistek tagalog yan!" sabi ng binata na hindi nila namalayang kanina pa nanonood sa kanila. "Saang planeta ka ba galing at simpleng luto lang hindi mo pa alam!" pang aasar na sabi nito kay odie na kanina pa nag hihimutok sa galit rito. "Alam mo ba ang salitang " PAG DI IKAW ANG KAUSAP WAG KANG SASABAT" " Naka yukong nagsalita si odie sa lalakeng kanyang kaharap, Hindi na sana nito papatulan ang lalake, Ngunit dahil sa nasabi nito ay hindi na ito nakapagpigil pa. Napa titig na lamang sa kanya ng masama ang lalakeng kaharap. "Oooopppsss! tama na yan " pagpigil ng tatay ni alyssa sa dalawa, Natigilan naman ang mga ito kung kaya ay umupo nalamang sa tapat ng hapagkainan. "Paki tawag mo na nga si alyssa Red" Tawag nito sa kanyang asawa. "o-ok..." "Ako na po" "Ako na ho" Sabay na sabi ng dalawa kung kaya ay nagkatitigan nanaman ang mga ito. "Alam nyo maupo nalang kayo dyan at ako na ang tatawag sa kanya." Pag pigil muli ng nanay ni alyssa sa kanilang dalawa. Bago pa man tawagin ni nanay emily ang kanyang anak ay nakita na niya itong pababa ng hagdan, "Mabuti naman ay bumaba ka na, at sumasakit ang ulo ko sa mga bisita mo" napakunoot noo nanaman si alyssa sa kanyang narinig , Dahan-dahang naglakad papunta ng kusina si alyssa, Nang makarating roon ay magkasabay tumingin sa kanya ang dalawang binata. "Baka naman matunaw ako nyan" pagkasabi non ni alyssa ay agad namang napatingin si odie sa binatang nakatingin din kay alyssa. "Stop looking at her, i warned you" madiing sabi ni odie sa lalake. "Ikaw na ang bahala dyan sa mga bisita mo kanina pa yang mga yan" pagsusumbong ng tatay ni alyssa sa kanya na kanina pa nanonood sa mga ito na parang batang nag tatalo dahil sa iisang candy. "Kung mag kakainitan kayo wag kayo rito, Kung ayaw nyo akong igalang, matuto namn kayong igalang ang mga magulang ko." inis at madiing sinabi iyon habang nakatingin kay dave. Malalim at may pinaghuhugutan ang kanyang mga sinabi, Pinaupo na siya ng kanyang ama kung kaya ay naputol ang masamang pagkakatitig nito kay dave. "Mabuti pa kaya ay ipakilala mo sila para naman magkakilanlan sila, Sa ganoon ay baka hindi na sila magkainitan pa" utos ng kanyang ina, Napanguso nalang ang dalaga , Ilang sagli pa ay nagsimula na ito magsalita pero bago pa yon ay binasa muna niya ang kanyang mga labi  bago magsimulang magsalita. "Dave si odie close friend ko" pakilala niya sa binatang katabi. Natawa naman si Dave. "Friend ka lang naman pala eh" di mapigilang magsalita ni dave dahil sa sinabi ni alyssa. "Pwede ba dave " awat ng dalaga sa binatang halos ayaw tumigil sa pag tawa. "Odie, " Napatingin naman sa kanya ang binata na ang dilim ng pagkakatingin sa kanya. "Si Dave nga pala ," at natahimik si Dave sa kanayang pagtawa at naghihintay ng sasabihin ng dalaga. "Bisita namin" Nagliwanag ang muka ng binata at napatingin kay dave na nawala ang kaninang saya nito. "Buti pa ako, Close friend ikaw bisita lang, Kung makapagyabang ka kala mo pag aari mo na siya" Tukoy ni odie sa dalaga. Nakita ni odie ang tingin ni alyssa, Napayuko na lamang ito at kumain ng tahimik. Tanging ang mga magulang lamang ng dalaga ang siyang nagpapaingay dito. Matapos mananghalian ay nagligpit na si alyssa ng mga pinagkainan, Sumunod naman si dave sa kanaya sa lababo, Samantalang si odie ay hindi maintindihan ang kanyang sarili sa nakikita. "No! odie hindi ka dapat nagseselos sa lokong yan, Do the plan pagtapos nito then your free from your dad." Bulong nito sa kanyang sarili, Napansin na lamang ni odie na inakbayan si alyssa ni dave, Kaya hinawakan nito ang kamay ng binata at itinulak palayo. " Odie! ano ba !" nagulat si alyssa sa ginawa ni odie sa lalakeng kanina lang ay katabi nito. "Binabastos ka na nitong g*g*ng to pagtatanggol mo pa?" "Look alyssa that's not what i mean, Sadyang madumi lang ang isip nitong kaybigan mo." Napangiti naman ito at nakita iyon ni odie at bibigyan sana niya ng isang suntok si dave, Ngunit biglang pumasok ang magulang ni alyssa . " Ano nangyayari dito?" giit ng tatay ni alyssa at napatingin ito sa lalakeng naka upo sa sahig. " Napano ka iho." pag aalalang tanong ng nanay ng dalaga sa kanya. "Wala naman ho, Okay lang po ako, Mabuti pa po ay mauna na po ako bago pa maghimutok sa inggit ang isa dyan." muling pang asar ng binata at umalis na ito. Pag alis ni dave at sila nalamang dalawa ang naiwan sa loob ay kinausap ni alyssa ang binata dahil sa nangyari. "Bakit mo ginawa yon". "Bakit hindi ko nga ba gagawin yon, Binabastos ka na wala ka parin pake alam!." Galit na sabi ni odie kay alyssa. "Hindi mo parin dapat ginawa yon." "So pinagtatanggol mo sya kesa sakin na may malasakit sayo?" naka yukom ang mga kamao ni odie sa galit, Habang siya ay nagsasalit. "Odie bakit ka ba ganayan sakin?" Napayuko ang dalaga , dahil sa sinabi ng binata tila natauhan siya sa tanong ni odie rito. "Alyssa, Diba sabi ko sayo huwag ka basta-basta magtitiwala sa kahit na sino?" Pag iwas ni odie sa tanong ni alyssa, Dahil sa hindi na rin nito maintindihan ang nararamdaman para sa dalaga, Sa loob ng isang linggo ay nahuhulog na ang loob nito sa dalaga, Ngunit dahil sa usapan nila ng kanayng kaybigan ay pinipigilan niyang siya ang mahulog rito. Napatingin sa kanya si alyssa sa kanyang sinabi. "Bakit ka nagagalit sakin?" Inosenteng sabi ng dalaga sa kanya. Para namang mauupos si odie sa mga tingin ng dalaga sa kanya, Hindi ako nagagalit sayo, Naiinis ako sa sarili ko, Dahil binabalewala mo ang nag iisang bilin ko sayo, Dahil kung hindi mo ako sususndin, Lagi kang masasaktan ng kahit na sinong taong makukuha tiwala mo ng walang kahirap-hirap." malumanay na pangangaral ng binata sa dalaga upang agad na maunawaan nito " Pero bakit,? Bakit ganito mo nalang ako ituring? Bakit sobra sobra ang pagmamalasakit mo para sakin maging sa pamilya ko" sunod sunod na tanong ni alyssa , Na kanya namang naging paraan upang magawa ang kanyang pinaplano. "Kasi gusto kita, Mula nung una kitang makilala hindi lang kaybigan ang guso ko sayo, Gusto kong ako ang nagpapasaya sayo, pero wala akong magawa dahil ayaw mo akong bigyan ng pagkakataong mahalin ka." Giit ng binata at napahawak sa mga balikat ng dalaga. "Pero odie ,,, Diba mas maganda kung magkaybigan na lamang muna tayo?" mahinahong sabi ng dalaga sa kanya. Natatakot ito na baka pag nagsabi ito ng kanayang nararamdaman para sa binata ay maulit muli ang nangyari sa kanya noong panahong nagtapat ito sa lalaking una niyang nagustuhan. "Naiintindihan ko alyssa" malungkot na sabi ni odie sa kanya. "Pasensya na odie hindi pa ako handa nangako kasi ako sa sarili na tatapusin ko muna ang pag aaral bago ako pumasok sa isang relasyon" agad namang umalis si odie ng sabihin iyon ng dalaga. Tila nakahinga ng maayos si odie pagkalabas ng bahay nila alyssa sa di kalayuan ay natanaw niya ang dalaga na palingon lingon at hinahanap kung saan siya nagpunta. "Pasensya alyssa kung kaylangan ko sabihin sayo ang mga bagay na ito, Pero ayoko na masaktan ka ng sobra pag nalaman mo ang sikreto ko, Sana mapatawad mo ako pag dumating ang araw na yon" bulong nito sa kanyang sarili, Habang siya ay nakatago sa isang gusali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD