Tulala lang ako sa loob ng hospital, Habang hinihintay ko ang susundo sa akin. Habang ang isip ko ay natataranta, Dahil sa dami ng aking iniisip. "Kung pumapayag si odie sa annulment request ko, Bakit nya pa ako gustong kasama sa iisang bubong?" Isang katanungang gumugulo sa isipan ko sa pagkakataong ito. Hindi ko maitindihan kung ano ba talaga ang plano ni odie para sa aming dalawa. "Pumapayag sya sa annulment kasi alam nyang alam ko na ang sikreto nya." Napahawak ako sa aking dibdib ng maisip ko iyon. Masakit dahil sa maiksing panahon na naging mag asawa kaming dalawa ay sobra kong minahal si odie. Mag hahapon na ng masundo ako ng driver pauwi sa bahay namin ni odie. Hindi na ako nadalaw ni Hazel dahil sa pagkakaalam nito ay maaga akong lalabas ng hospital. Kung kaya ay mina

