De'Chavez #3

4038 Words
Tanghali na ng magising ako. Ngunit hindi parin ako bumabangon sa kinahihigaan ko. Gustuhin ko man bamangon ngunit pinipilit akong kinukumbinsi ng katawang lupa ko na magpahinga na lamang. Dahil sa nangyari kagabi ay madaling araw na ako nakatulog naguguluhan ako sa nararamdaman ko gusto kong tuparin lahat ng pangarap ko para sakin at para kila nanay at tatay. Napatingin ako sa calendaryo at naalala ko na bukas na nga pala ang exam para sa mga mag aaply ng scholarship agad kong tinawagan si hazel upang paalalahanan ito para bukas gamit ang cellphone ko na nabasag ng magkita kami ni odie sa park. Naka ilang tawag ako kay hazel ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko kung kaya't napag isipan kong puntahan na lamang ito sa condo nito. Agad akong bumangon upag makapag ayos na at makaalis hindi pwedeng hindi makapunta ni hazel bukas dahil ni minsan ay hindi kami nagkakahiwalay ng school na pinapasukan magkaiba nga lang ang aming kurso na gustong tuparin nag aalala lamang ako sa kaybigan ko kung hindi ito makakapunta dahil nung isang pangyayari na nagkahiwalay kami ng pinasukang school ay pareho kaming nalungkot ng magkalayo. Alam ko naman kung saan ito nakatira kung kaya't hindi ako mahihirapang hagilapin ito dahil maraming beses na rin niya ako dinala roon upang mag review at minsan pa ay para mag movie marathon. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ko ng bigla akong natigilan at inaalam kung ano ang ginagawa ng magulang ko dahil narinig ko na merong kinakausap ang mga ito ng marinig kong tumawa ang tatay ko ay sinigurado ko agad na maayos muna ang suot ko bago bumaba. Lumabas ako ng dahan dahan upang makasigurado kung sino ang bisita ng makarating ako sa baba ay ang nakita ko lamang ay ang nanay at tatay ko na nakaharap sa t.v. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sapagkat ay may kung anong lungkot akong naramdaman. Napnsin kong kanina pa ako tinitignan ng magulang ko na takang taka sa bigla kong pag upo at nakatulala lamang. Nang mabalik sa katinuan ay nagtaka ako kung bakit ang aga nilang naka uwi galing sa pag titinda kung kaya ay agad ko silang tinanong. Agad naman sumagot si nanay ng magsimula ng mag kwento si nanay sa nangyari ay nakatingin lang ako sa kanila na naghihintay pa sa susunod na sasabihin nito at ang sabi niya ay. "Kanina kasi dapat ay mag titinda na kami ng may bigla namang tumawag samin doon sa may pagawaan ng sasakyan ng lumapit kami ay itinanong samin kung magkano raw lahat ng itinitinda namin tinatanong raw ng boss nila ng sinabi namin kung magkano ay agad na pinakyaw lahat ng paninda natin kaya maaga kaming nakauwi" mahabang pagkukwento ni nanay "sino daw ang boss nila? para naman mapasalamatan pag nakita natin" sabi ko at tumayo ako papunta sa kusina "hindi rin sinabi." sagot niya " teka andyan nga pala si O-o.." habol ni nanay sa kanyang sinabi ngunit hindi ko na iyon narinig ng maayos ng makarating ako sa kusina laking gulat ko ng makita ko ang isang kilalang lalake na nag aayos sa hapagkainan na halatang ito ang nag luto ng mga nakahain sapagkat hindi ganito ang luto ni nanay sapagkat ang kaniyang niluto ay hindi ordenaryong tao na kayang bumili ng ganito kamahal na pagkain lalo na sa panahon ngyon na katumbas nito ay pambayad na ng kuryente namin sa tatlong buwan. "maupo ka na at tatawagin ko lang sila nanay at tatay para sabay sabay na tayo kumain" he smerk on me kung kaya ay nabaling doon ang atensyon ko na tila nakalimutan ko saglit ang aking mga gagawin dagdag pa nito ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ba ako nagkakaganito sa twing ginagawa nya yon. "Oh! nakatayo ka lang dyan diba sabi ko sayo umupo ka na?" sabi nito sakin ng makabalik kasama sila nanay. Napansin nitong hindi ko siya pinansin ay ipinaghila nya ako ng upuan doon pa talaga sa dabi nito hindi ako makatanggi dahil nakatingin na sakin sila nanay napaupo naman ako dahil sa ginawa nito na naging dahilan ng pag init ng mukha ko dahil sa hindi ako sanay ng may gumagawa nito sakin sa harap pa ng mga magulang ko. Nang makaupo ay nag ponytail ako ng buhok ko nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatulala lamang si odie sakin at umiiling iling ganun din sila nanay na nakatingin sakin habang nag hihintay matapos ang ginagawa ko. "Tititigan nyo lang ba ako sa ginagawa ko o kakain na tayo?" sabi ko ng matapos ako itali ang buhok ko. "Anak niluto ni odie yan para sayo tapos kami ang unang kukuha? nakakahiya naman" sabi ni nanay. "Nako po tita hindi naman po sa ganun wag po kayo mahiya kain lang po kayo para po sating lahat to pasasalamat ko po dahil ang gaan po ng pag welcome nyo sakin sa pamilya nyo. Sabi ni Odie sa nanay ko habang naglalagay ng pagkain sa plato nila nanay at tatay. "Nako iho ako na riyan masyado mo naman kaming iniispoild baka hanap hanapin namin yan magsisi ka" hiyang sabi ni nanay sa katabi ko na kanina pa tuwang tuwa sa mga naritinig nya. "Ok lang po sakin sanay naman ako pagsilbihan ang iba bago ang sarili ko mas masaya po kasi ako ng may napapasayang tao lalo na ang mga taong mahalaga sa babaeng gusto ko" sagot nito ng buo ang kumpyansa sa sarili na magugustuhan ko rin siya. "Anak wag mo pahirapan itong si odie sa pagsuyo sayo ahh abay napaka bait at masipag na bata. "Ano nay puro bait nalang at puro sipag? wala ng kain kain? at ikaw maupo ka na kaya mamaya liparin ka na nyang tenga mo sa lahat ng naririnig mo sa mga magulang ko" sabi ko sa lalakeng kanina pa nakangiti sa nangyayari. "Gusto ko pa makapagtapos ng pag aaral at para mapagawa ko tong bahay natin na isang bagyo nalang liliparin na. Kala mo isang pako nalang ang nakakapit" dugtong na sabi ko sa mga ito at napatingin naman si Odie sa paligid ng bahay pagtapos ko sabihin yon. bago ko pa man masubo ang pagkaing nasa kutsara ko na napatigil ako. "Teka baka may gayuma kang nilagay dito sa pagkain na ito ahh kaya bait na bait sayo ang magulang ko" hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko nasabi yun kung kaya ay napangiti nalang ako upang iparating na biro lang ang sinabi ko. "Meron nga" maiksing sagot nito at napatingin ang lahat sa kanya nagkataon na nakasubo na ako bago pa man ito magsalita. "It's a love potion." kasunod na sagot nito "Pero sayo lang yun tatalab para naman hindi mo na ako sungitan ng sungitan" sabay ngiti nito ulit sakin ewan ko ba naman sa lalakeng ito at kahit anong sungit ang ipakita ko sa kanya tanging ngiti lang ang sinasagot nito pabalik sakin. "Sorry ka nalang nag aaral pa ako. Ikaw ba may plano ka pa bang mag aral?" tanong ko sa kanya. "Oo naman hindi lang naman ikaw ang may gustong makatapos." sabi nito "gusto ko maging maganda ang future nating dalawa." dagdag pa nito at bigla nalang parang may mga paroparo na kumikiliti sakin kung kaya ay napangiti ako ng kaunti ngunit hindi ko iyon ipinahalata. "Mabuti naman at may pangarap ka pang makatapos" seryosong sagot ko gusto ko syang maging kaybigan lang. Oo gwapo sya mistiso at mala adonis ang pangangatawan pero bakit ako ang napili nito. Sa bait niya swerte ng babaeng magugustuhan nito hindi ko na bibilang ang sarili ko mahirap man magsalita ng tapos ngunit di ko alam kung hanggang saan sya dadalhin ng paninindigan nito upang magustuhan ko gayung parehas lang kami ng estados sa buhay ok lang sana kung may trabaho parin si tatay na kaya akong mapagtapos sa kolehiyo pero ngyon na wala na at baon pa kami sa utang tanging ang sarili ko nalang ang makakatulong sakin upang makuha ko ang pinakaaasam na pangarap. Kung kaya ay minabuti ko na umiwas sa mga lalake. Hindi naman sa masyado akong pakipot pero ayoko lang na maulit sa buhay namin ngyon ang buhay ng magiging pamilya ko kung kayat pinagbubutihan ko habang may pagkakataon. "Nga pala nay bukas po pala ang exam namin para sa pag aapply ng scholarship." masayang sabi ko sa mga ito at nakita ko ang tuwa ng mga magulang ko sa kanilang narinig. "Nako anak galingan mo ahh masaya kami ng tatay mo sa mga nangyayari para sayo mabuti at isa ka sa mga napili nila." masayang sabi ni nanay sakin. "Pasensya ka na kung hindi namin magawang suportahan ang mga pangangailangan mo na dapat ay kami ang nag poprovide para sayo. Alam mo naman ang kalagayan natin hayaan mo matatapos na ang kuya mo." dagdag pa nito ng may halong sinseridad sa paghingi ng pasensya. " Naiintindihan ko po kayo nay kaya nga gumagawa ako ng paraan para naman makatulong manlang ako sa inyo kahit na sa simpleng paraan manlang na kaya ko. Napangiti naman sila sa sinabi ko. " Napaka swerte namin sa inyo ng kuya mo lalo na sayo napaka mapagmahal mong bata" sabi ni nanay sakin " Nangako naman ang kuya mo na tutulungan nya tayo upang maisunod ka naming mapagtapos." sabi pa nito. tuloy tuloy na usapan namin habang kami ay kumakain halos makalimutan na naming meron kaming ibang kasama na nakikinig samin na kala mo ay nanonood ng telenobela. Nang matapos kami kumain ay nag boluntayo na ako ang mag huhugas ng nasa lababo na ako ay bigla akong tinabihan ni odie at nakitulong sa ginagawa ko habang sya ay naghuhugas nahalata ko nalang na hindi ito sanay sa ganitong gawain kung kaya ay binabanlawan nalang nito ang mga nasabunan ko na. "May gagawin ka ba ngayon?" pambasag nito sa katahimikan napaisip ako sa tanong nito at naalala ko si hazel. "Ahm wala naman pupuntahan ko lang ang kaybigan ko upang sabihan sya para bukas sabay na kami." sagot ko. "Pwede ba ako sumama?" pagpapaalam nito ng seryosong nakatingin lang sa kanyang ginagawa na kala mo ay nakikipaglaban sa mga platong kanyang hinuhugasan dahil sa ang tagal na nitong nagbabanlaw ngunit iisa palang ang kanyang tinatapos. "Hindi pwede bawal kasi lalake sa condo ng kaybigan ko" sabi ko sa kanya. "Plano mo bang ubusin ang tubig ng lugar namin para lang dyan sa isang plato?" pagsabi ko upang mapatigil sya. Agad naman itong huminto at binilisan ang pagbabanlaw "Hatid nalang kita para mas mabilis" pangungumbinsi nito "Sige kung yan ang gusto mo" sagot ko ng walang anumang tutol mahal rin naman kasi ang pamasahe ngyon kung mag cocommute ako tutal naman ay mapilit sya kaya nagpapilit na rin ako choosy pa ba ako? "What time you want to go at your friend?" deretsong tanong nito sa salitang ingles at may tono pa ito na kala mo ay bihasa sa ganitong lengwahe. "Mga 1pm maliligo lang ako" maiksing sabi ko "1? teka 30 mins nalang 1 na" gulat na sabi nito. "Saglit lang ako maligo maniwala ka sakin" sabi ko sa kanya para matigil na ang tanong nito. Natapos na ako sa lahat ng ginagawa ko at inaya ko na ito na umalis. Napatigil pa ito sa kanyang pag inom ng makita nya akong naka dress na light blue ang kulay na hanggang tuhod ang haba at nakalugay ang buhok. Nilapitan ako nito ng dahan dahan habang ako ay pababa ng akala ko ay nagandahan ito nakita ko nalang abigla ang kanyang mukha na nagbago ang kanyang awra. "Sasakay ka sa motor ng naka dress? buti sana kung naka kotse tayo change your cloths" utos nito at pinagpalit ako sumunod naman ako upang makaalis na kaming dalawa ang 1pm ay nauwi sa alas dos ng hapon. Nang makababa ako ay nakita ko itong nakangiti sa soot ko. Long sleeve at pants na itim na siguradong masasabihan nanaman akong manang ni hazel pag nakita ako na nakaganito. "Nice! yan mas bagay sayo. Tara na!" tuwang sabi nito. Agad naman akong sumunod ng makalabas ito nag paalam narin ito kila nanay na ihahatid ako kung kaya ay lumabas na ako agad. Nang makasakay na kami sa motor ay kinuha nito ang mga kamay ko at iniyakap sa mga bisig nito naramdaman ko ang matigas nitong mga abs ng mahagod ang mga kamay ko payakap sa kanya. "Hold tight baka mahulog ka" sabi nito. Mabilis kaming nakarating sa building kung saan nakatira si hazel. "Maiwan na kita rito medyo matatagalan ako sa taas kung gusto mo umuwi ka na at mag cocomute nalang ako pauwi" ng masabi ko iyon ay hindi naman ito sumagot kung kaya ay dumeretso na ako paakyat ng makarating ako sa taas ay nakita ko na agad ang kwarto ni hazel nakapasok ako sa loob sapagkat meron akong duplicate ng room nito. sa pagpasok ko nakita ko nalang na may mga nakakalat na gamit sa sahig kinabahan ako akala ko ay ninakawan na ito pumasok ako sa kwarto nito sapagkat hindi naman ito nakasara ng maayos kung kaya ay wala kang kahit na anong ingay na maririnig sa pagpadok mo. Ulo ko lang ang aking naipasok upang makatakbo ako agad kung sakaling narito pa ang mga masasamang loob Nang makasilip na ako sa loob ay nakarinig ako ng mahinang ungol ng babae na mukhang nasasarapan sa kung anong bagay ng masilip ko pa kung saan nanggagaling ang tunog ay nagulat ako ng makita ko si hazel na may lalakeng nasa ibaba nito at mukhang kinakausap ang kanyang pagkababe habang nakataas ang mga hita nito sa mga balikat ng lalake habang ang isang kamay ng lalake ay hawak ang kabilang s**o nito. Napalabas ako bigla ng dahan dahan napaka lamig sa loob ng unit ni hazel ngunit napagpapawisan ako sa aking sakita. Pagkalabas ko ay napasandal ako saglit sa gilid ng pintuan nito. Ano yung nakita ko? bakit may lalake? bakit wala silang mga soot. Hazel lumevel up na ang kalokohan mo kaya pala hindi mo ako sinasagot sa mga tawag ko dahil ayaw mo paistorbo siguro tatawagan ko nalang siya mamaya uuwi nalang muna ako. Sa pagbaba ko ay nakita ko si Odie na naghihintay at may kausap sa celphone nito. Nang makalapit ako sa kanya ng di nya alam ay narinig ko nalang "Malapit na konting paghihirap nalang madali lang naman ang..." napatigil ito ng bigla itong mapaharap sakin ng makita niya ako ay agad itong ngumiti at nagpaalam na ito sa kanyang kausap. "Sige I'll go head see you nalang mamaya" pagpapaalam nito sa kanyang kausap. Nagtaka ito dahil sa bilis ko at nakita pa nito na namumula ako at pawis na pawis. "Bakit ganyan itsura mo? para lang nakakita ng multo" agad nitong hinawakan ang ulo ko at hinawi ko agad yun. "wala ka namang sakit." pagbibiro nito "Nasan na ang friend mo diba mag uusap kayo? " tanong pa nito. "Nasa taas" hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya na hanggang ngyon ay nagtataka parin ako sa nakita ko "Oh yun naman pala eh may nangyari ba? dagdag na tanong nito. " h-ha? wala naman may kasama kasi sya kaya hindi ko na inistorbo" sabay iwas ko ng tingin sa kanya. "Ahh alam ko na ang nakita mo. Yan ikaw kasi istorbo ka kung ano ano tuloy ang nasasaksihan mo sa susunod kasi hintayin mong sagutin ang tawag mo bago ka sumugod" pag uuyam nito sa sinabi ko. "Teka bakit ka pa nandito diba pinauwi na kita?" sabi ko. "" Hinintay na kita baka maymangyari pa sayo ako pa malagot sa magulang mo. "sabi nito at napasakay nalang aki bigla. "Halika na nga baka mas lalo akong matuluyan dahil sayo" inis nasabi ko sa kanya. "Bakit may alam ka ba sa mga nakita ko?" pabulong kong sabi. Nakita ko nalang ang ngiti nito na nakakaloko hindi ko alam kung narinig ba nito ang mga sinabi ko o sadyang masayahin lang syang tao. Naihatid nya ako sa bahay ng maayos nadatnan namin sila nanay at tatay na nagluluto ng pang meryenda nabigla pa ang mga ito ng makabalik kami agad ng parang naglibot lang saglit at bumalik na. Inaya nila kaming kumain at nauna pang pumasok si odie sa loob ng bahay. Nang makapasok ay agad akong umupo sa maliit na sofa at tumabi naman sakin si odie na nagtataka sa kinakain namin. "Gutom ka nanaman? may alaga ka bang sawa dyan sa tyan mo? parang kakakain lang natin kanina" magkakasunod na tanong nito sakin "Pake mo ba. Oh tikman mo gawa ni nanay to" sabi ko sa kanya. "Ano to bakit kulay itim?" tanong nito ng nakakunot ang noo habang inaamoy. "Pambihira to sa lahat ng mahirap ikaw lang ang maarte sa pagkain seryoso ka ba na hindi mo alam to?" sabi ko sa kanya na may halong pagtataka. "Hindi" maiksing sagot nito na sryosong nakatitig lang samin. "Iho dinuguan ang tawag dyan hindi ka pa ba nakakatikim nyan?" sabi ni nanay sa kanya. Nakita namin ang panlalambot nito sa narinig na wari ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Are you guys a vampire?" tanong nito na may inosenteng mukha na hindi mo mahahalatang nagbibiro sa lagay naya "Ano ka ba masarap to kung tsaka kung vampire kami edie sana lahat ng tao na kumakain nito sinakop na ang buong mundo sa dami ng may paburito nito. Wag ka na maarte subukan mo muna bago ka mag inarte dyan." sabi ko sa kanya habang kumakain ng dunuguan na sabayan ng putong puti. Nang masabi ko yun agad naman niya iyon tinikman napansin ko nalang na napatingin ulit ito sa kinakain at sumubo ulit maya maya pa ay kumuha pa ito ng kumuha na halos makalahati na nito ang malaking puto. Nangmapansin naming mauubos na nito ang pagkain namin ay saka niyang napansin na hindi na kami kumakain ay kinuha nito ang kanyang cellphone at tila may kung anong tinignan sa sobrang seryoso ng mukha nito. Makalipas ang isang oras ay may biglang kumatok sa pintuan at lumabas ito saglit. Nangmakapasok ito ay may bitbit itong dalawang malaking bilao at may ice cream pa. Tinignan ko iyon at natawa ako nang makita ko ang laman nito na isang bilaong putong puti gayun din ang isang bilao. Agad naman kumuha si nanay ng mga baso para sa ice cream nito. Kinuha ko naman ang tinapay. Nang makaupoako ay napatingin nanaman ito sa hawak ko. "Para saan yan? sa puto?" takang tanong ni odie sakin at natawa ako sa reaksyon nito na kinataka naman niya. "Baliw hindi noh" napatango naman ito sa sinabi ko. "bakit dalawang bilao ang binili mo? kaya mo ba ubusin lahat yan?" magkasunod kong tanong habang kumukuha ng ice cream sa baso ko. "Hindi naman lahat to para sakin itong isa lang ang sakin at yang isang buo ay inyo" sagot nito sakin habang sobrang laki ng ngiti nito sa kanyang hinihiwa. "Nako odie baka sumakit ang tyan mo sa dami nito kakain pa naman tayo ng dinner kaya hindi mo kaylangan magpaka busog dito at wag ka masyadong gumastos ng gumastos baka maubos ang ipon mo magalit pa sayo ang mga magulang mo" pag aalala ni tatay sa kanyang katabi. "Ok lang po yan tay wag nyo po alalahanin ang pera may trabaho naman po ako kaya mababawi ko rin naman po agad ang mga nawawala atsaka ngyon ko lang naman po ito natikman kaya ayoko po ng nabibitin lalo na pag nagustuhan ko ang pagkain ang sarap po pala nitong dugodugoan kaya pala ganito katakaw tong anak nyo masarap po kayo magluto" at nagtawanan kaming lahat sa pagkakasabi nito na nagkanda balubaluktot sa salitang dinuguan. Nagtaka naman ito kung ano ang pinagtatawanan naming lahat. "Bakit kayo tumatawa?" inosenteng tanong nito habang kumakain ng puto. "Iho paano kasi Dinuguan ito at hindi dugodugoan" at napakamot ito sa ulo habang sinasabihan ni nanay. "Pasensya na ho nakalimutan ko po ang tamang tawag rito" Nang matapos magsalita ni odie ay ako naman ang tinignan nito nakakunot nanaman ang noo nito na nagtataka sa ginawa ko sa ice cream na hawak ko inilagay ko kasi iyon sa hawak kong tinapay at ipinalaman ko ito. "Bakit?" tanong ko. "Masarap din ba yan?" tanong nito. "Tikman mo" sabi ko at tumingin sa pinapanood. sa pag harap ko sa pinapanood namin ay biglang naramdaman ko nalang na may umalalay sa kamay ko kasabay non ay ang mabilis na pagbigat at pag gaan ng hawak ko pag lingon ko ay halos mangalahati na nito ang hawak kong tinapay sa laki ba naman ng bunganga nito halos kaya ata nitong ubusin ang hawak ko ng dalawang subuan lang. "ANO KA BA!" inis na sigaw ko sa kanya at natawa naman ito na nangaasar pa lalo. "It's weird pero masarap" sabi nito na kala mo ngyon lang nakakita ng kumakain ng ganito. "Oh sayo na gagawa nalang ulit ako ng sakin" pagpapaubaya kong sabi sa kanya. inisip ko nalang na ang sama naman ng magulang nito hindi manlang siya nagawang patikimin ng ganitong klaseng mga pagkain na tulad ng mga kinakain ko saka bigla akong naawa sa kalagayan nito kung kaya ay naisip ko na na maging mabuti na sa kanya at ipapatikim ko sa kanya ang mga pagkaing alam ko. "Salamat" sagot nito at ngumiti sakin at bumalik na ulit sa kanyang kinakain. Nang matapos kaming kumain ay dumeretso ito sa kusina upang mag hugas ng pinagkainan na halos ito na ang naging routine niya sa bahay namin. Natapos nito ang lahat ng ginagawa niya ang dapat na meryenda lang ay umabot na ng hanggang dinner nang mag gabi na ay nagpaalam na ito upang makauwi. Hinatid ko siya sa labas ng bahay nakasanayan na kasi naming hinahatid ang bisita pag ito ay aalis na. "Alyssa thank you again for another experience masya ako kasi nakilala ko ang ganitong pamilya." mahinang sabi nito sakin. Sa tuwing nagsasalita ito ng ganito ay parang ibang tao ang kausap ko ibang iba sa totoong nakilala ko. "Sus ano ka ba masanay ka na lalo na at magkaybigan na tayo sorry nga pala kung naging harsh ako sayo ah hayaan mo magiging mabuting kaybigan ako sayo" sabi ko sa kanya upang gumaan ang pakiramdam nito halata kasi sa boses nito na may lungkot itong tinatago na hindi niya masabisabi sa kahit na kanino. "Mauna na ako matulog ka na maaga ka pa bukas" sabi nito at tumango ako bilang pag sang ayon. "So pano anong oras kita bukas susunduin?" tanong nito sakin. "Mga 8am" sabi ko sa kanya "So pano uwi nako" sabi nito at hinawakan ang ulo ko at ginulo iyon. "Ingat ka" sabi ko at umalis na ito. Umuwi si odie sa condo nito sapagkat wala ito sa mood na umuwi sa kanila dagdag pa nito ay ayaw nitong makita ang mga magulang niya. Pagpasok nito ay nakita nitong may bisita ng makita siya nito ay bigla itong tumayo. "Odie!" hiyaw nito "Kamusta" maiksing sagot ni odie rito "Wala ka ng balita sa babaeng trip mo ah ano suko ka na ba sa pustahan nating makuha ang babaeng yan? " pagpapaalala nito sa napag usapan nila. "Wala pa ikaw nga iniwan mo ako sa eksena sabi mo tutulungan mo ako kahit pustahan lang" sabi ni odie sa kausap. "Mas ok na wala ako sa eksena para hindi halata" sabi nito. " I give you 6 months pag di mo nagawa yan panalo na ako" sabi ng kausap nito. "Bakit 6 months?" tanong nito "Kasi aalis na ako dito mawawala ako ng 6 months kaya bago pa ako makabalik dapat nakuha mo na yang babaeng pinagpupustahan natin." sabi nito kay odie. " Oo naman easy" sagot ni odie sa kausap. "Baka naman after 6 months ikaw ang magkagusto sa kanya haha" patawang sabi nito kay odie at napainom ng wine sa table nito. "NEVER" madiing sabi ni odie sa kausap nito. "I will lure her into my sweetest pleasure you'll see" sambit nito "But now let me enjoyed the moment with her". "If i failed i promise pakakasalan ko ang gusto ni dad for me. But if i win tuparin mo ang sinabi mong tutulungan mo ako para hindi maikasal sa babaeng yon." ulit nitong sabi sa palitan ng pustahan nila. "Deal" "deal" sabay nilang pagkakasabi at nag shake hands. "CHEERS"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD