Habang naghihintay ako sa pagpunta ni alyssa sa kumpanya, Naisipan kong magpabili ng isang bouquet ng Red rose. At ang sinabi kong piliin nito ay ang pinaka magandang set up ng red rose ang bilhin nito. Ito kasi ang lagi kong binibili sa kanya sa tuwing nagtatampo ito noong mga panahong dinadala pa nito ang aming unang anak. Halos kalahating oras bago makarating ang inutusan kong bumili, Halos mataranta na ako kung anong gagawin ko ng makita ko ng pababa ng sasakyan si Alyssa. Nakita ko ding kasama nito ang pinakilala niyang nag iisang kuya nito. Hindi ko iyon makakalimutan dahil sa iyon ang panahong halos lumubog na ako sa kinatatayuan ko upang maisalba lang ang sarili sa kahihiyang pinasok ko. Nang akmang lalapitan ko na sana si Alyssa. Agad akong napaatras ng dahan-dahan upang m

