Dahil sa sobrang traffic sa lugar kung saan kami papunta, Umabot kami ng dalawang oras papunta sa sikat na mall sa manila. Pagkarating namin sa parking, Napatingin muli si odie sa aking soot na damit. "Ayaw mo parin bang magpalit ng damit? " Tanong nito sa akin. "Ha? Paano ako magpapalit eh hindi naman ako nakababa kanina, Halika na sa loob na ako magpapalit." Sabi ko sa kanya. Nang bubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ay agad naman niya akong pinigilan. "Saan ka pupunta?" tanong nito sa akin. "Sa CR." Maikling sagot ko. "Bakit?" Tanong muli nito. "Magbibihis diba sabi mo?" Sagot ko sa kanya. "F**k Alyssa, Edi sana hindi nalang ako lumabas kanina para kunin yang damit na yan kung lalabas ka rin naman pala ng ganyan," Sabi nito. "Anong gagawin ko? Hindi na ako lalabas?" Sabi ko

