Chapter 34 Yanna's Pov “Grabe pala ang saya sa feeling kung ganun ka inlove yung taong nagmamahal sayo. Kinikilig tuloy ako sa kanya habang kasama ko siya.” Sambit ko habang naglalakad ako papasok sa loob ng bahay. Kinuha ko ang susi sa bag kong maliit saka binuksan ko ang pinto. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay saka sinarado ulit ang pinto. Binuksan ko agad ang pinto sa aking kwarto saka pumasok na ako sa loob. Inaalala ko ang nangyari kanina kinikilig ako ng binalikan kong iniisip ang lahat ng yari. “Grabe talaga hindi ako makapaniwala kami na ni Magnus.” Wika ko sabay hawak sa aking labi. “Kinikilig talaga ako isipin kanina. Ngayon lang ako kinilig ng ganun panliligaw sa akin na gusto ipagsabi na manliligaw sa akin.” Sambit ko sa sarili habang tulala pa rin sa nangyari.

