Chapter 3
Yanna Ortez’ s Pov.
‘’ Hello babes anong oras mo akong susunduin mayang gabi?’’Tanong ko kay Joshua habang kausap sa phone.
‘’Babes baka hindi kita masusundo mamayang gabi may family dinner kami ngayon.’’Sagot niya sa akin.
Bigla na lang akong tumahimik at tumamlay sa narinig ko galing sa kanya.
‘’Ah ganun ba babes. Sayang anniversary pa naman natin ngayon. Akala ko kakain tayo sa labas.’’ Matamlay kong sagot sa kanya habang kausap ko pa siya sa phone.
‘’Oo babes importante kasi pwede bukas na lang tayo lalabas?Please?Promise susunduin kita ng maaga bukas.’’ Malambing na boses niya sa akin.
Bigla akong nawalan ng mood dahil hindi kami magkasama ngayon.
‘’Babes nandyan ka pa ba? Wag ka ng magtampo babes please!’’ Wika niya sa akin.
‘’Sige na babes balik na ako sa trabaho bye.’’Sabay patay ng phone ko.
‘’Hindi talaga ako importante sa kanya pwede naman sana niya akong isama sa family dinner nila kung gustuhin niya akong dalhin.’’ Sambit ko sa sarili.
Bumalik na ako sa pagduty sa loob ng pharmacy kahit masa ang loob .
‘’Yanna susunduin ka ba ng boyfriend mo ngayon?’’Tanong ni Flora sa akin na kasama ko sa loob ng pharmacy.
‘’Hindi may family dinner daw sila ngayon kaya hindi niya ako masusunod. Dapat lalabas kami ngayon dahil anniversary naming dalawa pero wala eh pamilya nya yun.’’ Sagot ko kay Flora
‘’Edi tayo na lang muna lalabas ngayon gabi.’’Wika ni Flora sa akin.
‘’Saan ka ba pupunta?”Tanong ko sa kanya.
“ Kakain lang naman Yanna sa labas. Sige na samahan mo na ako please!” Wika niya sa akin na nagmamakaawa.
“ Sige na nga sa samahan na kita libre mo ba?” Tanong ko sa kanya.
“Pwede din sige na nga libre na kita maya pag out natin.” Wika ni Flor sa akin.
“ Sinabi mo yan ha libre mo ako.”Ngiti ko sa kanya.
“Oo nga basta samahan mo lang ako.” Wika niya sa akin..
“Tara na nga may duty pa tayo baka mapagalitan pa tayo tagal natin sa labas.” Wika ko kay Flor.
Pumasok kaming dalawa sako nag assist na sa customer sa loob.
“Hi Love buti sinundo mo ako maaga wala ka bang pasok.” Wika ng babae ka Joshua
“Wala Love hindi ako pumasok may inasikaso lang akong importante. Ready ka na ba?” Tanong ni Joshua sa babae
“ Oo nakabihis na ako actually kakatapos ko lang talaga nag ayos saktong dumating ka rin.” Wika ng babae kay Joshua
“Tara na let's go na love.”Wika ni Joshua sa babae.
Umalis silang dalawa saka nag abang ng taxi na masakyan.
“ Saan ba tayo Love.” Tanong ng babae kay Joshua
“ May nakita kasi akong restaurant kaya gusto kong puntahan.”Wika ni Joshua sa babae niyang kasama.
“Okay Love sana masarap mga pagkain doon para ma enjoy naman din nating dalawa.” Wika ng babaeng kasama niya habang nag aabang sila ng taxi.
“ Ayan na may taxi sakay na tayo Love.” Sabi ni Joshua sa babaeng kasama niya.
Huminto ang taxi saka sumakay silang dalawa.
Tumingin ako sa relo ko mag alas otso na pala, hindi ko na namalayan ang oras. Malapit na kaming mag out ni Flor. Marami pang bumibili lahat kami busy sa counter para maghanap ng mga gamit para sa mga customer. Iniisip ko pa rin si Joshua kung bakit ayaw niya akong isama ngayon. Dati naman hindi naman siya ganyan pag may ocasion ang family niya ay sinasama naman niya ako. Ngayon lang nangyari na hindi niya ako sinama.
“Yanna! Out na tayo.” Tawag ni Flor sa akin habang nasa banda kabilang side ng mga gamot.
“Sige Flor tapusin ko lang itong customer kong isa punta na ako dyan.” Sabi ko kay Flor habang nag hahanap ng ibang gamot para sa customer ko.
“ Isang pad ng Biogesic, isang pad ng Solmux, isang pad ng Neozep. Ito po ma'am.Thank you po.” Wika ko sa customer na last.
“Salamat maka pag out na din.” Sambit ko.
“Ate Che mag out na kami ni Flor.” Sigaw ko kay ate Che na nasa dulo kumukuha ng gamot.
“Okay ingat kayo sa pag uwi Yanna.” Sagot ni Che sa akin.
“Flor wait lang mag ayos lang muna ako ng face. Baka stress naman itong mukha ko walang make up.” Wika ko kay Flor habang nasa gilid kami kinukuha bag namin.
“ Yes sure mag ayos ka malay mo makakita tayo ng gwapo sa kakainan natin.”Wika ni Flor sa akin.
Kinuha ko ang face powder at lipstick ko sa bag para mag lagay na ako mukha ko.
Kinuha ko din ang pabango saka nag spray na din ako sa aking damit.
“Okay na ako Flor nakapag ayos na ako ng make up.” Wika ko sa kanya.
“Okay tara na alis na tayo.” Aya ni Flor sa akin.
Lumabas na kaming dalawa sa pharmacy saka nag lakad na kami palabas.
“ Buti hindi umulan magandang maglakad lakad ngayon maliwanag ang buwan.” Wika ni Flor habang naglalakad kaming dalawa.
“Kaya nga Flor sayang nga eh anniversary namin ng boyfriend ko ngayon pero hindi ko siya kasama.” Wika ko habang naka simangot.
“Bukas naman magkikita naman kayo diba? Baka importante lang na family dinner huwag ka ng magtampo Yanna.” Wika ni Flor sa akin.
Napatingin ako kay Flor at napa ngiti sa kanya.
“Okay Flor intindihin ko na lang muna siya bukas magkikita naman din kami para sunduin.” Wika ko kay Flor.
“Sakto lang din inaya kita para naman may kasama akong kumain doon sa restaurant. Nag crave kasi ako ng pagkain na gusto ko doon kaya gusto kung balikan.” Wika ni Flor sa akin.
“Saan ba yun banda Flor? Baka naman malayo naman din?” Tanong ko sa kanya.
“Dyan lang naman sa crossing lakad lang tayo malapit lang naman.” Wika ni Flor sa akin
“ Kala ko naman sobrang layo nasa bandang crossing lang pala.” Wika ko sa kanya.
“Lakad lang tayo ha medyo malayo pa naman din yun Yanna.”Wika ni Flor sa akin.
“Okay lang Flor walang problema.”Wika ko sa kanya.
“Love ang ganda dito grabe ang sosyal ng dating dito.” Wika ng babae kay Joshua.
Napangiti si Joshua sa babae at napatitig.
“Order ka na anong gusto mong kainin.”Wika ni Joshua sa babae.
“Okay Love.” Sagot niya kay Joshua.
“Marami din pa lang nag lalakad dito banda Flor. Hindi din nakakatakot kasi may mga kasabayan din na mag lalakad papuntang crossing.” Wika ko kay Flor
“Oo,Yanna marami talagang nag lalakad dito. May maganda din pasyalan dyan sa crossing kaya yun iba dumadayo sila dyan para mamasyal.” Wika ni Flor sa akin.
“ Malapit na din tayo sa crossing Yanna konting lakad na lang.”Wika ni Flor sa akin.
“Wow parang ang sarap ng kainin nito.Design pa lang nakaka busog na. Thank you Love sa first date natin dito.” Wika ng babae kay Joshua.
“Welcome Love.”Sagot ni Joshua sa babae.
“Salamat nandito na din tayo Yanna napagod ako sa paglalakad. Saglit pahinga tayo saglit dito sa harapan.”Wika ni Flor sa akin.
Napatingin ako sa mga sasakyan sa daan habang naka tayo kami ni Flor sa labas ng restaurant.
“ Yanna parang kilala ko itong nasa loob o namamalikmata lang ba ako.”Wika ni Flor habang nakatingin siya sa salamin na kitang kita sa loob.
Hindi ko inintindi sinasabi ni Flor sa akin dahil nalibang pa ako tumitingin sa mga sasakyan.
“Yanna tignan mo muna.” Wika niya sa akin habang kinakalabit ako .
“ Ano ba yun Flor.”Sagot ko sa kanya.
“Diba si Joshua yan nasa loob? Tignan mo nga?” Tanong ni Flor sa akin.
“Saan ba?” Sagot ko sa kanya na nakatingin sa salamin sa loob.
“Oo nga si Joshua nga yun nasa loob at may kasamang babae? Sino kaya kasama nito. Kala ko may family dinner sila ngayon.”Mahinang pagka sabi ko.
“Yanna huminahon ka muna Yanna. Huwag kang pa bigla- bigla sumugod.” Aligagang sabi ni Flor sa akin.
Hindi ko na alam bigla na lang akong nakaramdam ng galit saka pumasok sa loob ng restaurant.
“Yanna! Yanna! Wait Yanna.”Habol ni Flor sa akin habang papasok na ako sa loob.
Deritso akong pumasok at walang paki alam sa mga taong nasa loob ng restaurant kung sino mabangga ko.
“Wow ha! Ito ba sinasabi mong family dinner Joshua.” Bulyaw ko sa harapan nilang dalawa.
Nagulat si Joshua pagkita sa akin sa harapan niya sa loob ng restaurant.
“Yanna!”Gulat na sabi niya sa akin.
“Nagulat ka kung bakit ako nandito at sino naman itong haliparot na babaeng kasama mo?”Tanong ko sa kanya
“At sino kang babae ka na basta-basta kang sumusugod dito?” Sabi ng babae sa akin.
“Gusto mo ba malaman sino ako? Ako lang naman ang girlfriend ng lilalandi mong lalaki. Ano gusto mo masampal ha?”Wika ko sa kanya.
“Love sino ba itong babae na ito ang angas makapagsalita.” Wika ng babae kay Joshua.
“ May love,love pa kayong nalalaman mga gago kayo. Napaka sinungaling mo Joshua. Dinahilan mo pa family mo na may dinner kayo yun pala may kasama kang malanding babae.” Galit na sabi ko sa kanya.
“ Sino ka ba?”Sigaw ng babae sa akin.
“ Ako lang naman ang girlfriend ng nilalandi mong lalaki miss.” Bulyaw kong sabi sa kanya.
“ Yanna.”Sambit ni Joshua sa akin.
“Huwag kang mangialam dito hayop ka!” Pa baling na bulyaw ko sa kanya.
“Miss girlfriend din ako ni Joshua mag isang buwan na kami ngayo.” Wika niya sa akin.
“Wow! Talagang ang kapal ng mukha mo Joshua timing mo pa talagang anniversary natin! Galing mo gago ka!”Galit na galit kong sabi sa kanya.
Sinampal ko siya ng malakas sa kanyang mukha. Napangiwi ang mukha niya pagka sampal ko sa kanya.
“Sorry Yanna.” Wika niya sa akin.
“Sorry? Sorry lang ba sasabihin mo sa akin Joshua? Alam mo ba gaano ka sakit ginawa mo? Limang taon tayong mag kasintahan tapos ganito gagawin mo sa akin? Anong klase kang boyfriend ha Joshua niloko mo ako ng isang buwan pinag mukha mo akong tanga?”Paluhang sinasabi sa kanya.
“Hindi ko sadyang masaktan ka Yanna sorry talaga.” Wika niya lang sa akin.
Pinahiran ko mga luha ko sa pisngi ko habang nasa harapan nila.
“ Sige Joshua hahayaan na kita. Kala mo maghahabol ako sayo. Simula ngayon break na tayo. Magsama na kayong dalawa. Sana maligaya ang pagsasama niyo.” Wika ko sabay bunot sa kwintas na regalo niya sa akin noong first anniversary namin.
“Ito sayo na magpa kaligaya ka na Joshua.” Wika ko sabay lapag sa kwintas na binigay niya at umalis sa kinaroroonan nilang dalawa habang umiiyak.