Imbis na problemahin niya kung paano siya matutoto ay napagdesisyonan niyang pumasok na sa loob upang simulang pag-aralan ang kan'yang trabaho. Tiningnan niya munang muli ang susi na bigay nito sa kan'ya at napansin niyang kakaiba nga talaga ang pagkahulma nito. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong susi. Hugis trumpo ito pero paikid ang katawan at may tulis sa dulo na nakakasugat kung iyong sasadyain. Kung titingnan mo ay mukha itong 'di susi. Para bang isa lang itong mamahaling keychain. She started to insert the key on the doorknob but it seems like it doesn't fit. Paulit-ulit niya itong sinubukang buksan pero ayaw talaga. "Ito ba talaga 'yong susi?" Sa sandaling ito ay nakaramdam na siya ng inis lalo pa't pinagpapawisan na siya dahil sa init dito. Parang gusto niya na tuloy umuwi at

