Napakunot ang noo ni Camille habang nakatitig sa email na natanggap niya galing sa HR. Kakarating niya lang ng MADeal at ito agad ang bumungad sa kan'ya pagkabukas niya ng computer. "Ate may natanggap ba kayong notice galing sa HR?" naku-curios na tanong niya. "Wala naman, bakit?" "May natanggap kasi ako," sagot niya habang 'di inaalis ang mata sa monitor. "Talaga? Tungkol saan ba 'yan?" "New day-off ko." Lumapit si Amy sa kan'ya at naki-osyoso na rin. "Bakit naman kaya? 'Di naman sila nagpapalit ng day-off unless requested by panot. Pero kasi wala namang conflict dito sa shifting natin, imposibleng siya ang nag-request niyan." Napaisip na rin si Camille kung ano kayang dahilan nang biglaang pagpalit nila ng day-off niya. "Good morning humans!" Parehas silang napalingon ni Amy na

