Nagising si Marcus na tila ba ang luwag-luwag ng kan'yang hinihigaan. It felt so unusual for him. Iminulat niya ang kan'yang mga mata at agad na hinanap ang dalaga, pero wala ito sa tabi niya. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kuwarto pero wala ito doon. Dali-dali siyang bumangon at tinungo ang cabinet upang makita kung naruruon pa ba ang mga gamit nito dahil may pakiramdam siyang baka bumalik ito sa dati nitong apartment. Nang mabuksan niya ito ay agad na nahagip ng kan'yang mga mata ang pamilyar na kuwintas na nakapatong mismo sa mga nakatuping damit nito. Sigurado siyang ito 'yong kuwintas na bili ni Jaydon. She was still keeping the thing that should be thrown away. In the first place, she didn't deserve it. Bakit tinatago niya pa rin ito? Nang damputin niya ang kuwintas ay agad

