Chapter 21

2072 Words

LUMIPAS PA ang ilang linggo at mas lalong naging mahirap kay Zionne ang pagbubuntis dahil mas lumalaki at bumibigat ang kaniyang tiyan. Kasabay niyon ay na-approved na ng department head ang kaniyang pag-file ng maternity leave. Tahimik siyang nag-aayos sa may locker room ng mga sandaling iyon kasama sina Wena at Jennie. Subalit habang naroon sila ay hindi sinasadyang maririnig niya ang usap-usapan ng ilang employees na naroon. Hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng bawat division na nakaharang doon kung kaya't malinaw pa rin niyang maririnig ang boses ng mga tao mula sa kabila. "Friend, balita ko ay lumalabas ulit sina Ruzelle at Howard, ah!" Pamilyar ang boses na iyon para sa kaniya at sigurado siyang mula na naman iyon kay Angel pero pinili pa ring makinig ni Zionne habang busy sa pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD