BUMUNGAD kay Zionne ang tunog ng motorsiklo ni Howard pagkagising niya ng ganoong oras sa gabi. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya nang dahil sa sayang naramdaman. Sa wakas ay nagkaroon na siya ng assurance sa piling ni Howard pagkatapos niya itong patawarin. Pero katumbas niyon ang pag-aalinlangan at pangamba na baka pansamantala lamang ang lahat. Pinili niya pa ring damhin ang kasiyahan kahit may dala pa rin siyang pagdududang nararamdaman. She has been compromising over and over again. At masakit iyon para sa kaniya na hindi na niya magawang maibalik ang buong pagtitiwala rito. Kamukat-mukat ay animo'y binalikan niya ang pangyayari kanina.. "Hindi ko alam kung kailan mo ako magagawang patawarin, Zionne. Pero palagi mo sanang tatandaan na mahal ko kayo ng magiging anak natin." Sa

