AT DAHIL kinakailangan na rin bumalik agad nina Wena at Jennie sa Maynila ay si Paul na lang ang naiwan doon. Lumalalim na ang gabi nang makaramdam ng antok si Zionne habang nanunuod sila ng telebisyon. Kung kaya't nagpaalam na siya kay Paul na matutulog. Subalit hindi naman nila inaasahan na narinig pala ng mag-asawa ang kanilang usapan kung kaya't masinsinang kinausap si Paul pagkaakyat lamang ng kanilang anak. "E, ikaw ba Paul? Hindi ka pa ba inaantok? Matulog ka na rin sa kuwarto ni Zionne," ang sabi ni Aleng Zenaida kay Paul na hindi nito inaasahang maririnig mula sa ina ni Zionne. "O-okay lang po ba na.. magtabi kami?" Sandali pang nagkangitian ang mag-asawa bago sumagot si Mang Teodoro, "Aba'y oo naman, doon din naman papunta iyon, 'di ba, mahal?" At napapangiting napatango si A

