Note: May maseselang salita, read at your own risk! UMULAN NG usap-usapan ang kabuuan ng locker room nang dahil sa isang event na gaganapin sa paparating na Valentines Day. Kapansin-pansin na pinaghandaan talaga ng SM Makati ang nakasanayang selebrasyon taon-taon dahil mayroon ng naka-disenyong mga lobo at booth na hugis puso. Pero dahil bago lamang iyon para kay Zionne ay hindi niya maiwasang ma-curious at ma-excite. Tahimik lang siyang naghihintay ng oras bago mag-in sa trabaho nang hindi inaasahang maririnig niya ang isang pamilyar na tinig na nagpapintig ng tainga niya. "Excited na akong makatanggap ng chocolates at flowers mula sa mga naggagwapuhang stock man's at sales clerk ng men's department! Lalo na kapag galing mismo kay Howard! Diyos ko, makalaglag panty kasi, e!" kinikilig n

