MAGANDA ANG simoy ng hangin na sumalubong kay Zionne pagkagising niya, sadyang na-miss niya ang ganoon ka-preskong hangin sa probinsya. Mahimbing pang natutulog ang kaniyang dalawang kapatid kung kaya't wala siyang makausap ng mga oras na 'yon. Maaga rin kasing umaalis si Nanay Zenaida para pumwesto sa palengke habang ang kaniyang ama naman na si Tatay Teodor ay mukhang nagpapahinga pa sa kuwarto at ayaw niya naman ito istorbohin. Ilang sandali pa ay natunugan niyang may ibang tao mula sa kaniyang likuran at pagkalingon niya ay si Paul ang nakita niya. "Gising ka na rin pala, kumusta ang tulog mo?" tanong niya rito. Sandaling napangiti si Paul habang natatanaw ang maliit na bukirin nila. "Masarap ang tulog ko, sa totoo lang ay parang ayoko pang umuwi pagkatapos ng leave," wika nito na na

