Ingay ng mga tao sa palengke ang maririnig sa bayan naming ito. In my sixteen years of existence, tanging ang tinda lamang namin ni mama na mga prutas at gulay ang bumubuhay sa amin. Sumakabilang buhay na kasi ang aking ama at ang dalawa ko namang kapatid ay lumuwas ng Maynila upang kumita ng malaki kung kaya kami nalang ni mama ang nananatili dito sa Batangas.
"Aileen, nadinig mo ba ang usap usapan? Ang sabi ng mga TMO ay uuwi ang buong angkan ni Mayor Rodolfo sa makalawa." Bulong ni Vanessa habang naghihintay ng aming suki. Magkakatabi lang kasi ang stall namin sa VMM kaya nakakapag usap parin kaming tatlo.
Agad namang naghampasan ang dalawa "Oo Vane balita ko e may gwapong apo daw si Mayor. For sure lilibot iyon doon sa loob ng mall!" ani Aileen at pagkuwa'y tumingin sa akin.
"Aba himala at ang tahimik mo yata Este ah!" Abala ako sa paglalagay ng prutas galing sa kahon na kadarating lamang sa stall namin.
"Tse tigilan ninyo ako at hindi ako interesado. Sa ingay ng bibig ninyo ay wala talagang bibili sa atin! Dito pa tayo nag chismisan" sabi ko ng hindi manlang sila tinitignan.
Humagikgik ang dalawa "Balita ko raw ay dito napiling ikasal ng anak ni Mayor sa makalawa kaya uuwi sila rito kasama ang buong angkan. Magsimba tayo sa kabilang linggo!" Suhestiyon ni Aileen na kaagad namang tinanguan ni Vanessa.
"Kung hindi pa darating ang apo ni Mayor Rodolfo ay hindi mo maaalala ang diyos? Napaka kire mo talaga Aileen!" sabi ko at humalakhak.
Ngumuso si Aileen. Ang babaeng ito talaga, alam na alam kung paano ang magmakaawa. "Sige na nga basta mag behave kayong dalawa, magdarasal tayo at hindi haharot sa apo ng Mayor."
"Oo na! Napaka KJ mo talaga Este" sabay irap nila sa akin.
Alas sais na nang nagpasya kaming umuwi, hindi nakapunta si mama sa stall dahil may inasikasong papeles ni kuya Emcee. Halos magkakalapit lang ang bahay namin nila Aileen. Sa Mahogany Street silang pareho at ako naman ay sa Narra Street.
"Uuwi daw ang angkan ng Mayor bukas dine galing sa Maynila Este, alam nyo na ba?" sabi ni mama habang kumakain kami.
"Po? Akala ko po ba e sa makalawa pa iyon ma?"
Uminom muna ng tubig si mama bago nagsalita "Bukas na raw at nang mapaghandaan ang kasal ng anak ni mayor. At balita ko rin ay isasara muna ang market para ipalinis iyon."
Natigil ako sa pagnguya "Po?!bat naman isasara? E sayang ang kikitain sa isang araw ma. Basta talaga mayayaman e takot makaamoy ng mababaho!"
Humagikgik si mama na animo'y nang aasar pa. "Hayaan mona Este at para makapag aral ka ng buong maghapon bukas."
Umirap ako at tinapos na lamang ang aking kinakain.
Kinabukasan ay alas singko na ako nagising. Masyadong napasarap ang pagtulog at Friday naman kaya wala naman sigurong gagawin masyado.
I'm a senior highschool student in St. Andrew Academy. Kahit mahirap ang buhay ay kaya namang tustusan ni mama iyon.
Alas sais na ng makapunta ako kina Aileen, ang mga bruhang 'yon iniwan ako. Gaga talaga.
Patawid na ako sa kabilang kalsada ng biglang may bumusinang Aston Martin sa highway. Sa gulat ko ay napatakbo akong bigla. At ang hinayupak na driver, hindi manlang nag sorry.
Nagmartsa ako papasok sa gate. "Oh ang aga naman ng masamang hangin sayo Este." wika ni Vane na may pang aasar pa.
"Gago pala kayong dalawa e! Hindi nyo ako hinintay at muntik pa akong madali ng humaharurot na sasakyan sa highway. Hindi pa nag sorry ang kingina!"
Humalakhak ang dalawa "sorry na Es, ang tagal mo e kaya nauna na kami ni Vane, ay nga pala andyan na raw iyong apo ni Mayor Rodolfo!Balita ko ay mala Leonardo daw ang pormahan!" ani Aileen.
"Leonardo amp. Ikaw talaga Aileen, basta lalaki ay napaka sigla mo!"
Natapos ang aming klase at napagpasyahan naming dumaan sa VMM, at hindi nga nagkamali si mama, totoo ngang nakasara ito. Siguro'y katatapos pa lamang linisan ng mga janitors doon.
I'm busy looking at the mall nang tinapik ni Vane ang braso ko "Tignan mo bhie ang gara ng Aston ng apo ni mayor"
Napabaling ako sa itinurong sasakyan ni Vane. Ang kinginang Aston Martin palang muntikan ng makadali saakin ay sa apo ng mayor! Balahura amp. "Iyang itim na Aston ba Vane?" wika ko.
"Oo ang ganda no!" Makalipas lamang ang ilang segundong pagsilay ng aking mga kaibigan sa sasakyan ay umandar na ito. Nagbuga pa ng usok amp.
Rude. Kung ano ang ikinabait ng lolo ay iyon naman ang ikina pangit ng ugali ng apo.
Walang saysay ang sinabi nilang pagiging gwapo 'daw' ng isang ito. Well hindi ko pa naman nakikita.
Pero isa lang ang masasabi ko, kahit lahat ng babae ay patay na patay sa apo ng mayor, ni isang titig ay hindi ito makakatikim mula sa akin.