KABANATA 6

1173 Words
Matapos ang Lakbay-Aral namin ay naging busy kami dahil nga malapit na ang Sembreak kaya super hustle sa mga research papers dahil grade 12 na kami next year and ready na for OJT. "Sabado bukas punta kayong stall?" si Vane "Baka sumaglit ako, may tatapusin pakong PowerPoint mamayang gabi. Sasabihin kona rin kay mama" sagot ko Dumating ang hapon at sabay sabay na kaming pumunta sa stall. Habang naglalakad kami ay biglang may umakbay sa akin, si Haiven pala. "Stall kayo?" tanong niya "Ah oo dadaan lang." si Aileen. Kababata ko si Haiven, grade 12 na siya at STEM naman ang kanyang strand kaya hindi na kami nagkakasabay o nagkikita manlang tuwing weekdays. Magkaiba rin kasi kami ng school dahil mas may kaya siya kumpara sa aming tatlo nila Vane. Para na siyang kapatid para sa akin pero minsan pinagkakamalan kaming magkasintahan dahil palagi siyang sweet sa akin. "Nagmeryenda kana?" tanong niya sa akin. "Napaka sama ng ugali mo Ven! Si Es lang talaga ang tinanong mo niyan! Umamin na kasi kayong dalawa hindi naman kami magagalit e!" si Aileen at pagkakuwa'y sinundot pa ang tagiliran ni Haiven. "Hindi pa kami nagmimeryenda Ven pero busog naman kami, diba?" "Mama mo busog! Nakulo nga tyan ko Es e." si Aileen Haiven smiled at me. Hindi ko idedeny na gwapo siya. Pero hindi siya ang tipo ko sa lalaki. "Nahihiya nanaman si Cassidy." sabay pisil niya sa aking ilong. "Wait I'll order a food nearby. You wait me sa stall." He said. Ngumiti ako at tumango. Siya naman ay ginulo pa ang buhok ko bago naglakad patungo sa fast food. "May something talaga kay Ven! Naaamoy ko e, medyo malansa na malagkit!" Si Vane "Magkaibigan lang kami." pinal na sabi ko atsaka nauna na sa paglalakad. 7pm ng makauwi ako sa bahay. Maraming tao sa stall kaya tumulong pa kami kina mama at hinintay rin namin si Haiven na makabalik. I opened my laptop at pumunta muna sa mga social media accounts ko bago magsimula sa PowerPoint. I'm busy scrolling on my i********: ng bigla ay may nag notif sa akin. liamoliver.lyndon started following you What the hell?! Wala naman sana akong balak na ifollow back siya pero sa sobrang lamig ng kamay ko sa bigla ay na press ko ang follow back. Hindi ko naman pwedeng bawiin baka sabihin niya iniistalk ko siya, well slight lang naman. 10 posts, 167.8k followers, 532 following Sanaol famous pre. Ako nga 13.5k lang ang followers iba pa doon ay arabo na hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling. Nagscroll ako sa feed niya at nakita ko ang bio niya na "Engineer ft. C.E.O", nakita ko rin ang mga posts niya. Ang isa ay nasa beach at walang pang itaas na suot, manly talaga siya dzai!, ang isa naman ay nasa kotse siya at naka shades pa. At ang isa naman ay picture ng isang kabaong na black and white ang filter at mayroong frame sa ibabaw nito. Siguro ito iyong Kiana na sinasabi ni Aileen. "Guide me always, Honey." Busy ako sa pang sstalk nang biglang... liamoliver.lyndon: Done stalking? estella_cassidy: Kapal mo. liamoliver.lyndon: Sabi mo wala kang boyfriend?:) estella_cassidy: Ano naman sayo ngayon? liamoliver.lyndon: I saw you with him kanina. Kawawa naman yung boyfriend mo, tinatanggi mo lang. estella_cassidy: Wala na 'yon sa'yo kung boyfriend ko yon o hindi. Masyado kang nangengealam sa sexlife ko -,- liamoliver.lyndon: Sexlife, baby? Really? Anong baby ang sinasabi ng kupal na ito? Sabog ba 'to? Baka mamaya multuhin ako ni Kiana. estella_cassidy: Mama mo baby. Ano bang kailangan mo? liamoliver.lyndon: Where's my shirt? Akala ko isasauli mo? estella_cassidy: Oo isasauli ko naman yon! Wag kang atat masyado. Wala naman akong putok mehn. liamoliver.lyndon: Give it back tomorrow. I need it. Buti nalang ay nalabhan kona iyon. Naglagay pako ng mamahaling downy para mabango. estella_cassidy: Mayor ang lolo mo tapos outfit repeater ka? HAHAHAHA liamoliver.lyndon: I'l wear it on Monday. I have to visit the site. I'll wait you tomorrow, 5pm at church. Goodnight:) Hindi kona siya nireplyan dahil sa sobrang irita ko. Kailangan kona talagang tapusin ang PowerPoint. Ako pa talaga ang mag-aadjust tss. Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Hindi kona rin naabutan si mama, paniguradong nasa stall na iyon. Kumain lang ako ng lunch at after noon ay nagbasa basa muna ako. Unknown Number: Open the gate. Nasa labas ako. Nasa labas?Kaya naman agad akong tumayo sa high chair na nasa kusina at nakita ko si Oliver na nasa labas ng aming bahay. "What are you doing here?!" gulat kong tanong He chuckled "Am I not allowed here?" "No! Where did you get my number you jerk?" "Kay Aileen." He said Minsan talaga balimbing talaga iyong kaibigan kong iyon. Lalo na kapag sa gwapo. "Hindi mo ba ako papapasukin? Nakakangalay pala tumayo and look at your outfit, baka masilipan ka." Agad akong napatingin sa suot kong sando at tinakluban ko ito gamit ang aking dalawang kamay. "Y-you asshole! Sige na sige na pumasok kana." sabi ko sabay umuna ng pumasok sa loob ng bahay. "Have a sit. What do you want?" Agad kong tanong "You." he said at humalukipkip Nagkuwari akong hindi ko narinig ang kanyang sinabi. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng juice. "Here" sabay abot ko sakanya ng baso "Drink it, para mahimasmasan ka sa sinasabi mo." He chuckled "Thanks. Uhm by the way, your mom knows that I'm here. I actually saw her nearby. And ayokong magkita tayo sa public baka makita pako ng boyfriend mo." Nagtaas ako ng isang kilay "Sanaol malakas sa nanay. Diko boyfriend si Haiven at wala kang pakealam kung ano kami. Wait me here, kunin ko lang sa taas yung damit mo." Sabi ko at pumanhik papuntang kwarto. Pagbaba ko ay nakita ko siyang nakatayo sa malaki kong frame na naroon sa sala. Nakapagpalit narin ako ng aking suot. Tumikhim ako " Here's your shirt. Makakaalis kana." Tumingin siya sa direksyon ko at lumapit. Kaunti nalang ang distansya namin at mayayakap na niya ako. Amoy ko nanaman iyong mamahalin niyang pabago. At eto nanaman ang puso kong parang minamartilyo. Inilagay niya ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga "So rude baby." Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang sinabi, kasabay nito ay ang mga paruparo na lumilipad sa aking tyan. Napatitig ako sakanya at nakita ko ang mapungay niyang mata. Ang gwapo niya. Masarap na pagtititigan na sana iyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. I saw Haiven's name on my screen kaya naman sinagot ko iyon ng hindi ko tinatalikuran si Oliver. "H-Haiven, yeah what's up? Oh yeah sure. See you." Atsaka ko pinatay ang cellphone. Tumingin ulit ako kay Oliver ngunit ang matatalim niyang mata ang sumalubong sa akin. "What?" "None. I have to go." he said "Ha? Ah o-okay" wika ko atsaka nauna ng maglakad papalabas. Makalipas ang ilang sandali ay pinaharurot niya ang kanyang sasakyan papaalis ng village namin ng hindi manlang nag 'goodbye' sa akin. Hindi ko maintindihan pero may naramdaman akong kakaiba. Kakaiba na kailangan kong pigilan kaagad at baka lumala pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD