KABANATA 20

1146 Words
Pinatay kona ang aking laptop pagkatapos ng pag eencode at kasabay no'n ang paghilot sa aking sentido. Bumalik muli sa aking isip ang pagkikita naming 'yon ni Liam. Bumalik nanaman ang mga bagay na dapat ay matagal ko ng nalimutan. I remember when we broke up ay napagpasyahan kong kausapin si mama na buo na ang desisyon kong pumunta sa Manila at doon mag kolehiyo. I saw him on my senior high graduation day that time. He's smiling and clapping. Pero may lungkot parin ang kanyang mga mata. Matapos kong matanggap ang aking medalya ay nilibot kong muli ang aking mga mata sa buong venue, ngunit hindi kona nasilayang muli si Liam. "Estella, nakita ko kanina ang nobyo mo sa venue, kaso'y umalis agad. Hindi ba siya pupunta rito?" Sabi ni mama nang kumakain kami. Hindi ko kasi nabanggit sakanya na wala na kami ni Liam. Bumuntong hininga ako. "Uh.... wala na kami ma..." Nanlaki ang mata ni mama sa binitawan kong salita at pagkuwa'y hinaplos ang aking mga kamay, "If it is meant to be anak, pagtatagpuin ulit kayo ng tadhana sa tamang panahon." Nginitian ko lang si mama. After three months of vacation, sinundo narin ako ni kuya Emcee, dahil baka daw ma late ako sa pag-eenroll. Si mama naman ay maiiwan dahil sabi niya ay patuloy niyang papalaguin ang stall namin. Todo paalala naman siya sa akin ng mga dapat kong gawin kapag naro'n na ako. Sina Aileen naman ay sa Batangas parin nagpatuloy sa kanilang pagkokolehiyo, nasabi kona rin sakanila na wala na kami noong nasa Manila pa ako. "I heard mayroon daw gwapong stockholder ang school natin!" Si Cecile, nag-iisang kaibigan ko sa paglipat ko ng Manila. "Ces, maraming gwapong stockholders ang school natin, si Mr. Guevarra, si Mr. Herman, si Mr---" "Iba ito Estella! Batang-bata pa! Siya lang naman si Mr. Lyndon! At ang sabi'y wala pa daw asawa 'yon!" Nanlamig ako sa sinabi ni Cecile. "W-wait, what? Mr. Lyndon? Really Cecile?!" "Oo! Ang mabuti pa ay pumunta na tayo sa gym! Dahil nagtatakbuhan na ang mga alipores ni Gigi!" Umirap pa siya, "Harot talaga ng mga 'yon!" Napatawa nalang ako ng pilit upang hindi niya mapansin ang pagkabalisa ko. Nakarating kami sa gym at hinanap ang Education, at umupo narin pagkatapos. "May abs kaya siya? Omg! Minsan lang magkaroon ng batang stock holder dito e, puro mga sugar daddy na!" Si Cecile at humalakhak pa. Nanatili naman akong walang imik kaya hinawakan niya ang aking kamay. "What the hell Estella bakit parang namumutla ka? Ang lamig ng kamay mo bestie! Gusto mo bang pumunta tayo ng clinic?" "H-hindi na, ayos lang ako!" Pagsisinungaling ko. "Halika na! Pagkatapos nating mag attendance, punta tayo sa clinic." "Ganito nalang Ces, ipirma mo nalang din ako sa attendance, t-tapos pupunta na akong clinic, puntahan mo nalang ako don after ha!" Sabi ko at tumayo na. "Oh sige itext mo ako ha!" Tumango lamang ako at naglakad patungong clinic. Pagdating ko roon ay sinalubong ako ng nurse at sinabi kong masama ang pakiramdam ko dahil sa init kaya naman pinahiga niya lang ako sa isang bed do'n. Sabi niya'y tawagin ko siya kapag may kailangan ako. Nakasara naman ang kurtina kaya naman hindi kona alam kung sino ang pumaparoo't parito. After an hour, I heard some noises outside the clinic, well I guess the progam has done. Nakaupo na 'ko nang biglang bumukas ang kurtina, at iniluwa no'n ay si Cecile. "Bestiee!! Ano ayos kana ba? May masakit paba sa'yo?!" Nag-aalalang tanong niya. "Ayos na ako Ces, mainit lang siguro kaya sumama ang pakiramdam ko. Uh how's the program?" Nag-aalangan kong tanong. Umupo siya sa gilid ng bed at tumili-tili. "You know what bestie, he's very handsome! Well defined yung jaw niya! Ang tangkad pa tapos moreno!" Inilagay pa niya ang kanyang kamay sa pisngi na animo'y pumupula. Napalunok ako sa sinabing 'yon ni Cecile at tumawa rin na kunwari'y nasisiyahan. "But anyways, okay kana ba? Kausapin muna natin yung nurse bago umalis, ihihingi kita ng gamot or you want to stay here for some minutes pa?" "Hindi na, ayos na ako. H-halika na!" Sabi ko at tumayo na. Sumunod naman siya sa akin sa paglabas sa isang kwarto roon. Diretso kami sa nurse area, ngunit natigilan lamang nang may kausap pa ang nurse na isang lalaking naka suit, matangkad, at moreno. Kinurot ako ni Cecile kaya naman napabaling ako sakanya. "Shuta! Si Mr. Lyndon!" Bulong niya sa akin kaya naman nanlaki ang mata ko. "Ha?!" Gulat kong tanong, "Kung ganon edi bumalik muna tayo sa loob--" hindi kona natapos ang aking sasabihin ng magsalita ang nurse. "Thank you for visiting Mr. Lyndon." At nakipag shakehands ito. Then the man glanced at us. Kaya naman humigpit ang hawak ko sa braso ni Cecile. Nakatitig parin ang lalaki sa akin, kaya naman napatayo ako ng tuwid. "Yes, students?" Tanong noong nurse sa amin ni Cecile. "Hi Nurse! Hello Mr. Lyndon! Hihi. Ah hihingi ko lang po ng gamot itong si Estella para po mas gumaling agad!" Ngumiti 'yung nurse. "Sumunod ka sa akin," at bumaling muli kay Mr. Lyndon. "Thank you again Mr. Lyndon." Nginitian naman siya ni Mr. Lyndon at lumakad na paalis kasama si Cecile. Naiwan naman kaming dalawang tahimik sa nurse's area. Lumapit siya ng bahagya sa akin atsaka tumikhim kaya naman napatingala ako sa kanya. "How are you? That bullshit was already visited all the univerities here in Manila." Then he smirked kaya naman kumunot ang aking noo. "Pardon?" I asked stuttering. "Nevermind." Tumuwid siya sa pagkakatayo, "I'm glad you're here. It was nice seeing you again Estella..." Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na agad sina Cecile kaya naman ako na ang lumayo sakanya. "Sorry for waiting." Sabi no'ng nurse. "Oh Mr. Lyndon, I thought you left?" Makikita ang pagkakuryoso sa kanyang noo. "Oh!" He groaned. "Yeah, I'll leave." Pagkasabi niya no'n ay tinanguan lamang namin siya at pagkuwa'y tinalikuran na niya kami. Tumikhim 'yung nurse. "You'll take this medicine after meal okay? And rest para mabalik ang lakas ng katawan." She said. "Uh yes po, t-thank you." Sabi ko at ngumiti ng pilit. "Thank you nurse!" Sabi naman ni Cecile at pagkatapos ay nilisan narin namin ang clinic. Tinititigan niya ako na para bang may hinuhulaan. "Na starstruck ka kay Mr. Lyndon no?! I told you he's gwapo! Pero I heard he called you 'Estella' kanina, magkakilala ba kayo?!" Sabi niya at nagtaas-taas pa ng kilay. "What? No! Nalaman lang niya yata kasi nga you called me by my name kanina? Remember?" Napaisip siya. "Ano ba 'yan sayang! Akala ko naman maipapakilala mo ako!" Sabi niya at kumapit nang muli sa aking braso at pinagpatuloy namin ang aming paglalakad. Ngumiti lamang ako ng pilit kay Cecile. Iniisip parin kung bakit narito ang lalaking 'yon. Bakit nandito si Felix? Yeah right. He's name is Felix Lyndon. Liam Oliver Lyndon's cousin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD