Madaling araw na akong nagising, kaya naligo na ako bago bumaba. Asa hagdan pa lamang ako ay narinig ko na ang hiyawan nila Deta at Margaret sa sala. Nanonood ata sila ng basketball may laro kasing ngayon ang GSW vs. Boston. Oo fan sila maging ako ng GSW, pinakaidol namin sa kanila ay si Klay Thompson. "Score." Tanong ko pagkababa, nagtungo akong kusina dahil sa nagugutom ako at ayaw snacks lang ang nasa harapan nila. Uminom muna si Margaret bago sumagot, "50-60 ate Reese." Sagot niya na ikinatango ko kahit na hindi nila nakikita. Nagsalin ako ng juice sa baso at kinuha ang cake na nasa refrigerator. Pagkatapos kung makakuha ng pagkain ay nagtungo na ako sa sala para manood. "Go, go go Klay, Ishout mooo." Si Deta na may pasayaw sayaw pa. "Good Klay Thompson, three points." Si Margaret

