"Tara na!" Sigaw ni Dan mula sa baba. "Deta dalian mo tinatawag na tayo ni Dan." Sigaw mula sa pinto dahil makalabas na ako naiwan lang si Deta sa loob dahil nagpapalit pa. Naka pang saka kaming lahat, yun akin kulay black na sweater na may tatlong butones sa part ng dibdib at pinatneran ko ng jogging pants na hanggang sa baba lang ng tuhod ko. "Anjan naaaa," sigaw niya pabalik. Pagkababa namin ay nasa labas na ng bahay si Dan na nakasandal habang hinihintay kami. "Kinuha mo na yung payabyab?" Tanong ko dahil tiyak na matirik ang araw ngayon. Ang payabyab ay isang sombrero na ginagamit sa bukid, gumamit sila ng anahaw sa paghawak ng payabyab. Tumango siya,"Si Deta?" Tanong niya nairita, itinuro ko naman sa loob ng bahay na alam niyang makukuha niya. "Yung babae talaga na yun." Saad n

