Tapos na ang pinakahuling activity sa team building na pinasiyaan ng company nila kaya kanya kanya na ng yaya ang mga katrabaho kung saan sila gagala.
"Lyka,beh. Sama ka na sa amin. Videoke tayo pantanggal stress saka celebration na rin lalo pa nagsecond kayo. Galing talaga ng teamwork nyo. Congrats pala beh,ha."madaldal na sabi ni Bubbles. Bagay sa pangalan nito ang personality ng babae kasi bubbly din naman kasi ito. Palaging positive ang outlook sa buhay. 5"3,may katabaan[pero para sa kanya ay chubby at sexy siya at proud ito sa katawan at katibayan raw din yon na hindi nagkulang sa pag aalaga ang asawa sa kanya], may kaputian at kikay kumilos at manamit.
"Maganda yan. Then let's go clubbing later tonight. I heard na pupunta din daw sila Randi sa club malapit lang dito. At balita ko maraming foreigner fafa doon,mga hot and yummilicious. Kaya kailangan nating macheck yon," Shanna excitedly said while playfully wiggling her eyebrows to them.
"Sasama ako sa pag vivideoke. Pero pass na muna ako sa clubbing. May kailangan pa akong tapusin na report para sa lunes."tugon ni Lyka. Which earned an annoyed groan from Shanna.
"Come on, Lyka. Don't be such a KJ. Ilang beses ka na bang nakapag enjoy sa isang club nang hindi iniisip ang ang trabaho?"sarcastic na tanong shanna while rolling her eyeballs heavenward.
"Dalawa. Kasama ang papa niya at kuya para icelebrate birthday nilang magkapatid,"sagot ni Bubbles. Marami itong alam tungkol sa dalaga dahil sa matagal na silang magkaibigan ay magkalapit lang naman ang bahay nila.
"See? You haven't. At ilang taon ka na ba?"
"27 turning 28 in two months"si Bubbles pa rin ang sumagot kaya hindi napigilan ni Lyka ang mapaikot ang mga mata at mapailing.
"Kitams? Two to three years from now lagpas ka na sa calendaryo. At virgin na virgin ka parin at wala ka paring boyfriend ni isa. Sayang ang genes mo girl kung hindi kakalat. Ano pa ang silbi ng keps mo kung ibuburo mo lang. Aba kung ganun na rin ibigay mo na lang yan dun sa kapitbahay namin na bakla siguradong magagamit yang keps mo ng tama," walang filter na na panenermon ng babae at saka siya matalim na inirapan.
Natampal naman ni Lyka ang noo sa isipan niya dahil sa walang kafilter filter nitong bibig na minsan ay siya na ang naeeskandalo sa mga sinasabi nito.
"Masyadong harsh yong pagkakasabi ni Shanna pero agree ako sa kanya ,beh." Bubble's agreed.
Napabuntong hininga na lamang si Lyka. Mukang pinagtutulungan siya ng dalawa ngayon
"Girls, girls, that's enough. Wag nyo nang pagtulungan si Lyka.,"awat ni Ms. Zenaida o ate Zen sa kanila. "Totoo ang sinabi ni Lyka na may mga kailangan siyang tapusin na papeles at report na kailangan ni ma'am Reece sa lunes first thing in the morning. Narinig ko kanina nang paalalahanan siya kanina".
Nilingon niya si Zenaida and smiled thankfully at her. Which she answered with a wink and a thumbs up.
"Eh kasi naman,ate Zen. She's too uptight. She needs to loosen up a bit once in awhile. Mahirap ang tumandang dalaga." Katwiran pa ni Shanna.
"Korek ka diyan gurl. Isang malaking check. Kaya move that sexy ass of yours at maghanap ka na ng gwapo at hot na papables tapos magpa juntis ka na nang magkaroon na kami ng mga inaanak na diyosa at adonis,"sang ayon ni Bubbles na humagikik pa na animoy kinikilig dahil sa huling sinabi. Nag apiran pa sila ni Shanna dahil nagkakasundo sila.
Natatawa na naiiling na lang ang dalaga.
Nagpatuloy ang asaran at kulitan nila hanggang sa makapasok sila sa hotel kung saan sila nag istay. They were so engaged with their conversation na hindi na nila namalayang may makakabangga pala sila.
Muntikan ng mapasigaw si Lyka nang pag ikot niya pagkatapos makuha ang key card nila sa kwarto ay nabangga siya sa isang malapad at matigas na dibdib. Dahil sa pagkagulat at may kalakasan ang pagkakabunggo niya ay muntikan na siyang maout balance at matumba. Out of reflex ay napakapit siya sa tela ng long sleeves na suot ng nakabangga. Naging maagap naman ang huli na maalalayan siya sa siko at bewang.
"Sorry , sorry talaga,"agad na hingi na paumanhin ni Lyka. When she raised her head to look at the guys faced hindi niya napigilan ang lihim na mapasinghap at saglit na matulala. Why the guy has a sinfully handsome face with a dangerous and mysterious aura. Kaya hindi niya naawat ang sarili na pasadahan ng tingin ang kabuuan ng muka nito. Starting from his tousled dark brown hair, thick brows, piercing dark and cold twin orbs na matiim makatingin na parang pati kaluluwa mo ay kaya nitong kilatisin. It's like his eyes are pulling her in. His prominent nose, naturally red thin lips na mariin na magkalapat and his stubborn jawline. Nakikita pa niya ang pag iigtingan ng mga muscle nito sa panga.
When she realised that his checking up on him, she immediately composed herself.
"I'm really sorry sir. It's my fault." She put on a straight face and acted like she's not affected my this guys presence.
"It's ok. Be careful next time," sagot ng lalaki with his cold and baritone voice. Tumango naman ang dalaga bilang tugon at muling huminging paumanhin bago tuluyang umalis sa harap nito.
Agad naman na sumunod ang mga kasama niya sa kanya. Agad siyang kinulit at senermunan ng dalawa kung bakit hindi pa niya ginrab ang opportunity na yo na makilala at makipagpalitan ng number o di kaya ay social media account o di kaya ay nag inarte pa siya para mas makausap ng matagal ang lalaki.
"Hindi ka man lang ba affected saa hotness at kagwapuhan niya?" Nanlalaki ang matang tanong ni Shanna.
"He's too handsome for my taste. Puro sakit ng loob at sakit sa ulo lang ang idudulot nun. Dahil siguradong marami kang magiging kaagaw sa kanya"katwiran ng dalaga.
Umaakto na hindi apektado si Lyka pero sa totoo lang ay malakas pa rin ang pintig ng puso niya. At parang nakadikit parin sa bewang at siko niya ang malaki at mainit nitong mga kamay. At feeling niya nakasunod pa rin ang matitiim nitong titig sa kanya.
"Hay nakuuu. Hindi ko na alam kung tao ka pa ba o robot. O may deperensya lang talaga yang sensory at emotional system sa katawan mo. Siguradong tatanda ka na talaga nyang dalaga. Pati ako tatanda rin ng maaga dahil sayo,"naiimbyernang turan ni Shanna.
"Hayaan nyo na lang kasi si Lyka para hindi na kayo ma stress." Zen.
"Hindi talaga ate Zen,eh. Dapat may gawin talaga tayo." Determinado talaga si Shanna. "Tama! Pag wala ka pa ring syota pag thirty ka na kami na ang gagawa ng paraan para magkajowa ka."
"Sang ayon ako,"segunda agad ni Bubbles. "On the night before your 30th birthday ay sasama ka sa amin na mag club. Iinom ka kasama namin at magpi flirt back ka sa mga guys na makikipag flirt sayo. At kailangang may makiss ka sa kanila at maaya ang guy na yon na makipag date sayo after that night."
"Brilliant idea,gurl."nag appir pa ang dalawa.
"Nababaliw na kayo,"natatawang komento ni Lyka.
Pati si Zenaida ay naiiling sa kalokohang naisip ng dalawa.
"Hindi ka pwedeng tumanggi. Wether you accept it. Or you will accept it."
Talagang kinorner at kinulit siya ng dalawa kay napa oo siya ng mga ito. Sa isip niya ay makakalimutan lang naman nila ang kalokohang to.
Nang napasang ayon na Siya at saka oang siya tinigilan ng mga ito. At saka nag patiuna na sila patungong elevator.
Hindi pa man nakakalayo ang dalawa ay may biglang lumagabog sa likuran nila kasunod ay magkasunod na daing. Paglingon nila ay nagulat sila na dalawa sa kaopisina nila na lalaki ang nakalugmok sa sahig at namimilipit habang hawak ang tig isang braso.
Mabilis na napabalik sina Shanna at Bubbles para daluhan ang mga katrabaho. Nauna nga roon si ate Zen. At may apat ring lalaki ang umalalay sa mga ito na hindi niya kilala.
Lalapit na rin sana siya ngunit may pumigil bigla sa isa braso niya. At talaga namang nagulat siya ng makitang ang lalaking nabangga niya ang humawak sa braso niya. Hindi nqya naitago ang pagkabigla. Hindi siya nakapagsalita nakatitig lang siya sa rito na parang mas dumilim pa ang hitsura kaysa kanina. Bahagya ring nanlalaki ang mga mat niya at nakaawang bibig. Parang nalulon yata niya ang dila niya.
Nang ilapit ng estranghero ang mukha sa kanya ay napigil niya ang hininga lalo pa nang itapat nito ang bibig sa tenga niya. Ramdam niya ang init ng hininga sa may tenga at leeg niya lalo na ng bumulong ito sa kanya ng mga katagang nasa ibang lenggwahe na hindi niya maintidihan.
"Ha?"tanging naitugon ng dalaga na parang tanga. She heard him chuckle that send delicious tingling sensation all over her body. He whispered something again in the same foreign language. And soon after she felt his soft warm lips lightly brushed against her shoulder. That caused her to gasped audibly. At doon Siya parang natauhan at agad napalayo sa lalaki at mas nanlaki ang mga matang nakakatitig sa lalaki. Confusion is written all over her face.
The guy just smirked playfully at her reaction and amusement is dancing in his eyes.
May sinabi ulit ito na hindi naman niya maintidihan.
"A-ano-"
"Breathe."
Saka lang napansin ng dalaga na pigil pala niya ang hininga. She tried to regain her composure. But before she could the slightly bow and take his leave.
Wala sa sariling nasapo niya dibdib saa tapat ng puso niya. Pakiramdam niya kasi ay lalabas ang puso niya lakas at bilis ng kabog nito.
Napaigtad siya ng tapikin siya ni ate Zen sa balikat. May pag aalala sa mga mata nito.
"Ayos ka lang ba, Lyka? Bakit parang bigla kang natulAla dpya? Ano ba ang sinabi nong lalaki sayo?" Sunud sunod na tanong ni ate Zen.
Umiling siya. "H-hindi ko alam.. wala akong naintindihan"parang lutant pa rin na sagot ng dalaga.
"Ano? Dahil sa kagwapuhan niya hindi ka na nakaintindi ng English?" Kunot noong singit ni Shanna.
"Hindi naman English yon eh. Italian o French yata yon. Kaya wala talaga akong naintidihan."napakamot na lang sa batok ang dalaga. "Feeling ko minura niya ako ng paulit ulit."pero sa loob ng dalaga aay alam niyang may iba yong pakahulugan. Hindi lang niya mawari sa ngayon.
"Teka. Asan na pala sina Jake at Ron?" Inilihis agad niya ang usapan.
"Dinala nong apat na lalaki papuntang clinic nitong hotel. Ang gagwapo nga rin nila kaya binigyan ko agad ng business card na may personal contact ko sa likod.
Okay..."tanging naitugon ng dalaga.
"Mabuti pa umakyat na tayo sa kwarto natin ng makpagbihis na tayo. Tapos daanan natin sila sa clinic para makumusta saka tayo tumuloy sa gala." Suggestion ni ate Zen. Ilang araw din yong bumagabag sa isip ng dalaga ngunit hindi na niya sinabi o ipinahalata sa mga kasama.
Yon ang unang beses na naranasan at naramdaman niya iyon sa isang lalaki. Kaya bigla siya nalito .
Someone's POV
"I want you to find everything about her. And I mean all. Her personal life, daily routine, everything." Saka inabot ng lalaki ang sketch ng isang babae sa private detective na pinagkakatiwalaan niya.
Napasipol naman ang katabi niya na self proclaimed best friend niya. "Sabi ko na may iba,eh."natatawa pa ito at napapailing. "So what are you planning to do?"
Hindi sumagot ang lalaki. Inikot lang nito ang swivel chair na inuupuan paharap sa glass wall na kitang kita ang kabuuan ng metropolis. He just stare off the distance with a mysterious smile carved on his lips.