Maaga kaming umalis para iwas traffic sa pagpunta sa airport. Kaya naman nakikipaglaban ako sa antok. Pero hindi ko pa din mapigilan nang magsimula ang travel namin, dahil natulog lang ako. Para akong naalimpungatan dahil sa tapik sa balikat ko. Hindi muna ako nagbukas ng mga mata ko dahil pakiramdam ko hinihila pa din ako ng antok. Pero hindi tumigil ang pagtapik ng balikat ko. Kaya marahan akong dumilat. My vision is a little bit blurry, pero unti-unti ng luminaw ang paningin ko. Mariin na nakatingin si Kris sa'kin. Halos maduling ako dahil sa sobrang lapit nito sa'kin. "Mabuti naman gising ka na." usal ni Kris sa'kin. Bahagya naman itong lumayo sa'kin. Umayos naman ako ng upo. "Sorry, inaantok talaga kasi ko." usal ko sa kanya. Nakasakay kami ngayon sa van papunta sa hotel. Marl

