"Bakit mo naman kasi sinama iyang unggoy na iyan dito?" usal ni Kris jay Marlon. "Sabi niya, gusto niyang sumama." usal ko rito. Nalukot naman ang mukha ni Kris dahil doon Napalingon naman si Kris kay Marlon. May malawak na ngiti ito at prenteng nakaupo lang ito sa sofa, habang nakataas pa ang paa nito sa lamesa. Nagrolyo naman ng magazine si Kris at pinatalo ang paa nito. Napadaing naman ito. "Masakit!" reklamo nito. Mabilis niyang binaba ang paa. "Unggoy ka, alam mo bang nagpa-customize ako para magawa iyang dream table ko.. Tapos walanghiya ka papatungan mo lang ng madumi mong paa." galit nitong usal rito. Tinaasan naman ni Marlon ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis. "Sorry naman po, Miss." usal nito. Napabuntong-hininga naman ako sa kanilang dalawa. Tuwing magk

