Mag hahating gabi na at unti-unti na ding umuuwi ang mga bisita. Pinauwi ko na din sila Jeff at Mean dahil masama na ang pakiramdam nito. Naiwan akong mag isa dito sa palasyo nag hihintay ng tamang oras madaming gwardiya ang nag lalakad-lakad dito sa labas kaya nagtago ako sa hardin para doon maghintay kay Jessy. Lumipas ang ilang oras at tuluyan ng natapos ang piging. Oras na para magpahinga at magsitulog ang pamilya nila. May mangilan-ngilan nalang na guardya sa labas hindi na ito ganun ka dami katulad kanina. Lasing at antok na ako sa mga oras na ito kaya papikit-pikit akong nakatitig sa orasan ko. "Malapit na." masaya kong sambit. Lumipas muli ang ilang minuto at sa wakas narinig kong tumatawag si Jessy sa pangalan ko. "Marco! Marco." mahinang tawag niya sa pangalan ko. Lumabas a

