Tapos na ang visiting hours at naiwan na naman akong mag isa sa ospital. Bumalik ako sa pagkakahiga ng mga oras na ito dahil medyo masama pa ang pakiramdam ko habang nakatingin ako sa kawalan ay may biglang pumasok sa pintuan. Napatingin ako dito at nakita ko ang isang babaeng nakaputi na papalapit sa akin. "Hi," bati niya sa akin habang nakangiti sa akin. "Hi?" bati ko pabalik sa kanya. "Anyway, How you feeling?" tanong niya sa akin. "I'm not good. My body is still ache," malungkot na sambit ko sa kanya. Lumapit siya sa akin ng sobrang lapit at itinaas ang damit ko. "Inhale," sambit niya sa akin. Huminga ako ng malalim. "Exhale," sambit niya sa akin. At ni-release ko ito. "I will give you painkillers for your body ache and for now i will clean your wounds." sambit niya sa akin.

