CHAPTER 9 BOOK 2 Isang araw, natuwa ako nang nagpaalam si Jacko sa akin na kailangan niyang pumunta sa Manila. Iyon na ang araw na pinakahihintay ko. Hindi na kasi ako makapaghintay na makausap at mayakap si Roy. Hanggang panakaw na tinginan lang kasi kaming dalawa. Lalo iyon nagpapaigting sa kagustuhan kong mayakap na siya at mahalikan. Para akong pinatatakam sa isang pagkaing hindi ko pwedeng tikman o kahit amuyin man lang. At ngayong aalis si Jacko. Ipinangako ko sa aking sarili na magpapakasawa ako sa piling ni Roy. Gugugulin ko ang bawat segundo na kami ay malaya. Kaya nga’t kahit umuulan ay sinakyan ko ang aking kabayo at nagtungo ako sa kubo ni Roy. Mabilis akong bumaba. Kinakabahan ako. Nangangatog ang aking mga tuhod. Naglalaro na kasi sa isip ko kung paano namin gagawin ang laha

