CHAPTER 12 Pareho naming hindi alam ni Roy kung anong kapangyarihan meron si Jacko. Kapwa kami nangangapa kung saan galing ang kanyang kapangyarihan ngunit ang tanging alam ko at pinanghahawakan kong kalasag ay ang pagmamahalan namin ni Roy. Sapat na ba ang pag-iibigan namin sa isa’t isa para mapatumba ang nakaambang panganib mula sa kapangyarihan ng hindi namin mawari pa kung ano. Nilingon ko ang galit na galit na si Jacko. Bumalik ang dati kong pagkasuklam sa kanya. Galit na galit na naman ako sa kanyang mga ginawa. Bumalik sa aking isipan ang lahat kanyang mga pinag-utos niya sa akin kasama na doon ang pananakit ko kina Emily at Roy. Tumitig si Jacko sa akin. Tumingin ako sa kanya. Hanggang parang may kung anong apoy na sumilaw sa akin at sa isang iglap, naparam ang galit ko s

