Gueene pov. Hindi biro ang pinagdaanan ko. Nawala nga ako sa buhay nila ngunit ang trauma na ginawa nila sa akin ay dala-dala ko. Nang malaman kong buntis ako, hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa bahay ni Razen. Hindi ko siya kayang harapin kaya iniwan ko nalang ang annulment paper at singsing ko doon. Hindi naman siya bobo para hindi malaman kung para saan iyon. Natulungan ko siya sa hiling niyang magpakasal kami ngunit sa kasamaang palad naging legal iyon. Hinanda ko ang sarili ko noon sa ganitong bagay, na kapag nakita na niya at handa na siya sa babaeng pakasalan niya doon kami gagawa ng issue na maghiwalay kaming dalawa. Ngunit hindi pala ganoon kadali sa reyalidad. Ang hirap pala tanggapin lalo na kapag minahal mo na siya. Kapag naging malalim na ang relasyon na binuo

