Napasandal ako sa sofa. Pinapakalma ang sarili at ang puso ko na kay lakas ng t***k. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Alam ko kung ano ibig sabihin nitong biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko. Napasabunot ako sa aking buhok. Bakit ang tagal ng pagkain gutom na gutom na ako. Humihikab na hinilot ko ang gilid ng aking ulo. Ano ba itong pinasok ko? Hindi ba ako mapapahamak dito? Sana masabi kaagad ni Razen sa kanyang ina ang totoo nang sa ganun walang gulo na mangyari. Ilang minuto ang lumipas ng makarinig ako ng katok. Tumayo ako at tinungo ang pinto kung saan kami pumasok kanina. Ngunit nanlumo ako nang hindi ko alam paano ito buksan. Wala man lang dook knob. Tiningnan ko kung may button kagaya nang pinindot ni Razen sa labas pero wala. Naiiyak na napasandal ako sa pader. Gutom n

