Chloe pov: Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng marinig ko muli ang boses ni Tita. Nang silipin ko, umawang ang aking labi nang makita kung paano niya marahas na hawakan ang buhok ni Gueene. Natapon pa ang tubig sa baso na hawak nito. Ngunit wala man lang siyang reaksyon sa ginawa ni Tita. Para malaman kung ano ahg dahilan kung bakit ganito ang trato niya kay Gueene, pumasok na ako ng tuluyan. "Tita?!" You're here, " doon lang siya bumitaw sa buhok ni Gueene at hinarap ako. "Oh, my god. I missed you", niyakap ko siya. " It's been long time since we see each other. " "Chloe? Oh god, dear. I didn't recognize you. You've changed a lot. Your so beautiful. " Nangingislap ang mga mata nito sa paghanga habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan ko. Ang kanyang matamis na ngiti ay agad na nab

