Akala ko tulad ng iba huhusgahan niya rin ako sa pagiging disgrasyada ko, sa mga pagkamali ko, pero hindi iyon ang narinig ko mula sa kanya. Malaki ang epekto sa akin ang sinabi niya dahil isa siya sa mga taong nagsabi na proud siya sa kabila ng mga maling ginawa ko noon. "And also, thank you for saving my business earlier. Naikwento sa akin ng mga tauhan doon ang ginawa mo kanina," napanguso ako ng guluhin niya ang buhok ko "kung nagkataon na wala ka doon, kawawa ang mga small businesses na umaasa at nagtitiwala sa akin. " Ako na naman ang nakikinig ngayon sa kanya. Mukhang nawalan siya ng gana kumain nang maalala ang mga problema niya. Panay ang pagbuntonghininga niya at malalim ang iniisip. "Ayaw ni dad magpa heart surgery, " he took a deep sigh. " And about our wedding... May naka

