Mabilis na pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mata. Malakas ako kaya hindi ako pwedeng umiyak. At simula ngayon ipapangako ko sa aking sarili na hindi na ako magpapaapekto sa nararamdaman ko kapag uunahin ni Razen si Chloe. Maingat na tumayo ako upang ligpitin ang pinagkainan. Hindi ko iyon kayang hugasan kaya inilagay ko nalang sa dishwasher. Ang mga natirang pagkain pinagkasya ko sa ref. Ilang minuto na ang lumipas hindi parin bumabalik si Razen. Kaya nagpasyahan ko na lang na umakyat at doon sa kwarto siya hintayin. Kung kanina madali lang sa akin ang makababa, ngayon nahihirapan na akong humakbang paakyat. Tiniis ko. Kinaya ko. Kasi sarili ko lang ang mayroon ako. Mahigit isang buwan na akong inaalagaan ni Razen at nakadepende sa kanya, tama na siguro iyon para tumayo naman

