Gueene pov. Kailan ko pa siya minahal? Tulong lang. Hindi dapat masali dito ang pagmamahal. Pero sarili ko mismo ang tinalo ko dahil minahal ko siya higit pa sa kaibigan na nangangailangan lang ng tulong ko. Siguro ganoon ko nalang siya ka bilis minahal dahil sa kabutihan at kabaitan na pinapakita niya sa akin. Na sa kanya ko lang nakikita at naramdaman ang hinahanap ko sa isang lalaki. O baka ang dali ko lang talaga mahulog kahit alam kong wala naman akong mapapala. Pagkatapos ng kontrata, wala na rin akong halaga sa kanya. Napapikit ako ng gumuhit sa aking lalamunan ang pait na lasa ng alak nang tunggain ko ito sa bote. Pabagsak na inilapag ko iyon sa mesa ng makaramdam ng hilo. Umikot ang paningin ko pagkamulat ko. Kaunti palang ang nainom ko pero tinamaan na ako. Dinampot k

