Chapter 2: Encounter
---
Francine's POV
Ako nga pala si Astrea Francine Windsor Gomez, 16 y'old. Maaga ako nagising kasi kagaya nga ng sinabi kagabi ni daddy pupunta kami ng university na pinapasukan ni kuya kasi ie-enroll ako. Ginawa ko muna yung morning rituals ko bago bumaba sa hagdan at pumunta sa kusina para batiin sila mommy and daddy, pagkapunta ko sa kusina nadatnan ko naman si daddy nag kakape habang nagbabasa ng dyaryo.
"Good morning mommy, good morning daddy," sabi ko sabay halik sa pisnge nila.
"Goodmorning sweetie," sabi ni mommy at hinalikan rin ako sa pisnge.
"Good morning baby," sabi ni daddy sabay halik sa noo ko, pero napasimangot naman ako sa tawag niya sakin.
"Dad naman eh, i'm not baby anymore!" sigaw ko pero tinawanan lang ako ni daddy sinabayan naman ni mommy kaya lalo akong napasimangot.
"Whatever, you still my baby girl Francine," umismid na sabi ni daddy sabay ngumiti, ngumiti na lang ako sabay upo sa upuan para kumain.
Pagkatapos namin kumain nagpaalam muna ako kay mommy na aalis na kami ni daddy para pumunta sa pinapasukang university ni kuya. Habang nasa kotse nag s-soundtrip muna ako para hindi ako ma bored sa byahe.
"Francine, ready kana ba sa bago mong papasukan na university?" tanong ni dad sa kalagitnaan ng byahe habang sumulyap ng tingin sa side mirror ng kotse.
"Yes dad," nasagot ko na lang kahit labag sa kalooban ko.
Sa totoo lang aminin ko man o hindi, kinakabahan talaga ako, kinakabahan ako kasi hindi ko naman alan kung anong mangyayari saakin doon sa university na iyon.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng university, masasabi kong malaki itong university na ito, maganda rin. Sunday nga pala ngayon kaya konti lang ang estyudante na dumadaan. Bumaba na ako sa kotse ga'non din si dad, nag simula na kaming maglakad papunta sa university at hinanap ang dean's office. Ng mahanap namin ang dean's office ay kumatok muna si daddy.
"Come in," narinig namin ang boses babae sa loob ng dean's office, siguro yung dean na iyon ng university na ito.
Binuksan ni dad yung pinto at nakita namin ang medyo may katandaang babae na nakaupo sa harapan namin, siguro mga nasa mid 40's na ata ito. Pinaupo niya naman kami sa tapat ng lamesa nito.
"What can I help you?" sabi ng Dean, napadayo naman ang mata ko sa i'd niya. 'Alice Wilson', Alice pala ang pangalan ng dean ng university na ito.
"Can i endroll my daughter here?" diretsuhang tanong ni dad.
"Oh yes, of course Mr," nakangiting sabi ni dean Alice. "Wait a minute, i'll check the available section," sabi ni dean Alice.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos niya na siguro tignan ang available section pero ng mapatingin siya samin ni daddy ay para bang nag-aalangan siyang sabihin samin ang available section.
"Bakit Ms. Dean? May problema ba?" tanong ni dad ng makita niyang para bang nag-aalangan sabihin samin ang available section nila dito.
"Isa na lang kasi ang natitirang available section dito Mr." sabi ng dean. "Ang available section na lang ay ang Section D, the lower, the worst and the last section," papapatuloy ng dean.
"Mrs. Alice, it's okay for me." sabi naman ni daddy.
"Are you sure Mr? That section is full of trouble maker, low grades, stupid students, and the last is a worst section," sabi ng dean na grabe ang panlalait sa section na iyon.
"I said it's okay, sa tingin ko naman kayang pakisamahan iyon ng anak ko, right Francine?" sabi ni daddy sabay tingin sakin ng makahulugan.
"Yes dad," bagot na naisagot ko na lang.
Alam ko ata ang pinupunto nito ni daddy e. Para bang sinasabi niyang bagay rin naman ako sa section na iyon.
"Okay, so you can start tomorrow Ms. Francine." sabi ng dean at nginitian ako, ewan ko ba pero para bang plastik ang ngiting iyon.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay umalis na rin kami sa university na iyon, pero nag paalam ako kay daddy na bibili muna ako ng school supplies na gagamitin ko para bukas, isama mo na rin yung uniform. 'Pumayag naman si daddy basta raw mag-iingat ako.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ako dito sa mall. Kumuha ako ng cart at pumunta sa bilihan ng school supplies. Ilang sandali pa ay pagkatapos kong mamili ng scho supplies kagaya ng ballpen, notebook's, markers, color pencils and color pen, etc. Pagkatapos ay pumunta ako sa bilihan ng uniform, bimili ako ng palda tapos polo sama mo na rin yung medyas at sapatos na gagmitin ko.
Pagkatapos ko mamaili ay papunta na sana ako sa cashier upang bayaran ang mga pinamili ko kaso may nabangga ako kaya napa-upo ako, grabe ansakit para pader ata ang nabangga ko e.
"Sorry po," sabi ko sabay tingin sa nabangga ko, ay gwapo siya be infieriness, di lang pala siya nag-iisa kasama niya rin yung ibang lalaki sa likod niya bale siguro grupo tong mga to.
"Tsk, stupid woman," sabi niya at aaktong lalagpasan na sana ako kaso hinablot ko yung braso niya, aba di ako papayag na sasabihan niya ako ng stupid woman. Gwapo sana kaso apaka suplado, tsk!
"Hoy Mr, sino ka para sabihan ako ng stupid woman ha? Ikaw nga tong stupid e, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" sabi ko, napatingin naman siya saakin at kinunotan ako ng noo.
"Me stupid? Kilala mo ba ang binabangga mo miss?" nakakunot at parang nanghahamon na sabi niya. "Stupid na nga, maingay pa putak ng putak parang manok," dugtong nito, aba! Sumusobra na ata itong impaktong ito hindi porket gwapo ito e hindi ko na ito papatulan.
"Excuse me Mr?" sabi ko, aakto sana itong babarahin ako pero mabilis kong dinugtungan ang sasabihin ko. "Wala akong pake kung sino ka man, basta ikaw ang mas bobo sa atin, alam mo naman na mababangga ako sayo eh ba't hindi ka umilag? Tanga," sabi ko sabay irap, may nakita akong baso ng tubig sa gilid.
Pumunta ako doon at sinaboy ko iyon sa kanya ng matauhan, napa 'wtf' naman siya dahil doon at sinamaan ako ng tingin. Yung mga lalaki na nasa likod niya naman aya napa 'oww' na lang dahil sa ginawa ko.
Iniwan ko na siya pagkatapos ko siya sabuyan ng tubig doon. 'Di ko na siya pagaaksayahan pa ng oras, bad trip na rin naman ako sakanya, napagpasyahan ko rin na umuwi na dahil 6:13pm narin naman pagkatingin ko sa wrist watch ko.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa bahay, inalok ako ni mommy na kumain pero tumanggi ako at sinabing busog pako pagkatapos non ay umakyat na ako sa kwarto ko. Inayos ko muna ang mga pinamili ko pagkatapos ay pumunta muna ako sa banyo upang magbabad bathtub. Pagkatapos ko magbabad sa bathtub ay nagbihis ako ng pantulog at sumampa na sa kama bago kunin yug laptop ko tsaka nanood ng k-drama na may pamagat na 'Tale Of The Nine Tailed'.
Nang makaramdam ako bg antok ay niligpit ko na yung laptop ko at nilagay ito sa study table ko at humiga na bago tuluyang lamunin ako ng dilim.
Grabe nakakapagod ang araw na ito, sama mo na yung impaktong nagpakita sa mall, sana hindi ko na makita ang taong yun'
---