KINAUMAGAHAN "Ralph! Ano ba yang nasa isip mo! Hindi ba't ang sabi mo pupunta ka sa bahay ng Lola mo para mag celebrate ng pasko?!" Sigaw ng Tatay ni Ralph na kanina pa putak ng putak sa tabi niya. Galit na galit ito dahil hindi sinunod ang sinabi nitong pupunta sa Batangas para salubungin ang pasko kasama ang kanyang Lola at pamilya ng Tita nito. Last night, nagkaroon ng aksidente na siya mismo ang may gawa. Nag mamaneho siya habang lasing kasama ang isang pokpok na babae. Nakabunggo sila ng isang sasakyan, buti na lamang ay walang namatay at naaregluhan ito agad ng abugado nang kanyang Tatay. Lahat ng kalokohan at kapalpakan na ginagawa ni Ralph ay agad nitong itinatago ng kanyang Ama dahil ayaw nitong makarating sa kanyang Lola na nakatira sa Batangas. Dapat sa mata ng kanyang Lola,

