Dio's Point of View Matapos naming itapon ang katawan ni Eliot, nag desisyon muna kaming mag kanya-kanya. Nag tungo sila sa kanilang mga tahanan at ako naman ay sa aming penthouse. Pag karating ko, wala akong natagpuang ibang tao bukod sa akin, kaya't nag desisyon muna akong ma-upo sa sofa at nanood ng TV. Dito madalas umuuwi ang Kuya ko, ganoon din si Papa pero ngayon ay nasa Manila si Papa para mag ayos ng mga kailangan niya sa pangangampanya. Meron din kaming negosyo dito sa Moreland City pero ang kuya ko na ngayon ang namamalakad dito, at sa susunod ay sana ako din. Maya maya pa, bumukas ang pinto. Nag lakad ito dare-daretso papasok ng bahay. "Ohhh long time no see." Bati sa aking ni Kuya. "Yoo.. Long time no see." Sabay ngumit ako sa kanya ng paangas. Nag lakad siya papalapit sa

