Nag patuloy ang pag lalakad si Has sa gitna ng kalsada kahit na nababalisa siya sa mga taong nakaka salubong niya. Kung kumilos siya ay parang ang lahat ng tao ay nag banta sa buhay niya. Pero iyon naman ang plano ko, ang mag dusa siya habang nabubuhay. Dumaretso siya sa isa sa mga sikat na club sa aming lugar. Hindi ako pamilyar sa mga ganitong lugar ngunit kahit papaano ay may alam ako. Sinundan ko siya papasok at nag tungo kami sa second floor ng club kung saan may mga pribadong kwarto ngunit tanaw parin ang nag sasayawan sa 1st floor. Maingay ang tugtugan ng paligid sa baba ngunit dito sa hallway ng second floor ay hindi gaanong rinig ito. May kanya kanyang tao rito, ang ilan ay para mag karoon ng pribadong inuman at kantahan ngunit ang iba naman ay pribadong lampungan. Kumatok ng

