Nalanghap ko ang pamilyar na simoy ng hangin ng Pilipinas. Ilang taon na rin mahigit nang umalis ako rito sa Pilipinas. Kasama ko ngayon si Carl. Gusto rin kasi niyang makitang muli ang kaniyang ama at susubukang ayusin ang kaniyang pamilya. He wanted to accept him by his father at nangungulila na rin siya sa kaniyang pamilya. Sabi ko nga sa kaniya kung itakwil ka pa ni tito ay huwag na siyang mag-alala dahil ipapakilala ko siya sa mga magulang ko. Puwede rin niya itong tawaging mommy at daddy tutal pamilya naman ang turing ko sa kaniya. Si Lance naman ay nagpaiwan dahil may aasikasuhin lang siya sa kanilang kompaniya, busy din kasi iyong babaitang iyon. Pero sabi niya ay susunod agad siya kapag natapos na ang kaniyang trabaho at gawain doon. Paglapag na paglapag pa lang ng eroplano ay ki

