Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang pagpapakilala sa aking anak ngunit nabigkas ko lamang ito. "Zacchaeus, nagugutom ka ba?," tanong ko sa kanya. “Opo," agad niyang sagot sa akin. “Halika, bumili muna tayo ng makakain natin”, pag-aaya ko sa kanya. Tumingin muna sya sa mama nya at agad naman sinabing— “Sige na anak, sumama ka muna kay Daddy Zacchaeus mo ako na muna magbabantay kay Baby Sophia," saad ni Michelle sa kaniya. Napangiti naman ako dahil binibigyan niya ng way kaming mag-amang maging magka-close. Sobrang nagpapasalamat ako dahil narito siya akin at hindi ako at kami pinabayaan. Napakswerto kong asawa kaya hindi ko na siya bibitawan pa. Napangiti kaming dalawa sa isa't-isa kaya napatango ako. Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Michelle habang sinasabi ang mga

