Nang makarating kami sa America ay sinamahan ako ni Lance papuntang bahay ni Lucas. Mabuti na nga lang ay may kasama ako. Ilang oras din ang byahe kaya natagalan nagabihan kami ng uwi. Ramdam ko ang lamig ng paligid dahil magpapasko na. Umuulan na rin ng snow mabuti na lamang ay may baon akong sweater. "Salamat sa pagsama, Lance. Sa'n ba ang uwi mo? Mag-gagabi na maghotel ka nalang malapit dito. "Chaka ka, hindi kita sinamahan 'no dito talaga ako nakatira. Feeling mo naman!" saad niya habang papalabas ng kotse. Bigla akong namula at napahiya. Akala ko kasi sinamahan niya ako. Tangina ang assuming ko pala. "Sorry, akala ko kasi sinamahan mo ako. Sa'n ka pala nakatira?" tanong ko. Nakakahiya naman. "Diyan lang, kapitbahay mo lang." Tinuro niya ang isang malaking bahay sa tabi ng ba

