Matapos kong patulugin ang aking anak na si Zacchaeus ay bumaba na ako para salubungin si Carl. Nang nasa hagdan pa ako kay kitang-kita ko na seryosong nag-uusap sila ni Lance. Nakakunot pareho ang kanilang mga noo, ano kaya kang topic nila? May problema kaya silang dalawa? Napalingon naman sila sa akin at nag-ayos sila ng upo. Wala na rin ang pagkakunot ng kanilang noo at napangiti sa akin. Aba ang dali mag-change ng emotion ah. Ang galing um-acting pang-FAMAS. “Anong mayroon? Mukhang may tensiyong namamagitan sa inyong dalawa, share niyo naman sa akin iyan,” saad ko sa kanila. Nawala ang kanilang ngiti at hindi ito mapakali. “Ano? Magsalita kayo,” patuloy ko pa dahil pansin kong walang balak silang sabihin iyon sa akin. “Kasi…” Tiningnan naman ni Lance si Carl at agad na bumaling

